[ 58 ] Confused

41K 583 46
                                    

CHAPTER 58: Confused

Ngayon ay nasa paninirahan sila ng pamilya nina Monique kung saan din nakatira si Kim. Nandoon ang buong 11SG, ang grupo nina Miranda maliban kay Britney na hindi na nag-aaral sa Choi University, girlfriend ni Sean na si Jia, at si Steffi. Nandoon rin si Kim na nag-ayos ng suprise birthday party para sa kambal na sina ZAC at Zavier.

Lulubusin na ni Steffi ang pagkakataon na iyon na muling mapalapit kina ZAC at Zavier kahit na sa sarili niya, hindi niya alam kung paano iyon gagawin. Kung noon na si ZAC lang ang umiiwas sa kanya, si Zavier ay umiiwas na rin. Naiintindihan niya kung bakit ganoon ang asta ni Zavier sa kanya. Malamang ay sumama ang loob niyo sa ginawa niyang pagtakas dito at alam niya na pinagdududahan siya ni Zavier.

Busy ang lahat sa pag-iinuman at pagsasaya sa loob. Hating-hati sila sa iba't ibang grupo. May naglalaro ng billiards, may nag-iinuman, may masayang nagkukwentuhan at may ilan na kumakain at nakikinig lang. Habang siya, hindi alam kung saan lulugar. Pinag-iisipan niya na kung dapat ba siyang umuwi dahil mukhang wala din siyang mapapala doon nang lapitan siya ni Kim at inalok ng maiinim na tiningnan lang niya.

"Drink. Walang halong pampatulog 'yan or anything so don't just look at this glass I'm holding. Nangangalay na 'ko, oh," sabi nito sa kanya.

"May gagawin pa ba 'ko dito? Gusto ko ng umuwi," tapat niyang sinabi. Kinuha niya ang baso na may laman na cocktail na agad niyang ininuman.

"Of course! You have a big part in this party since girlfriend ka ng isa sa birthday boys! C'mon, Steffi. Don't be such a killjoy. Nananahimik ka lang dyan, eh. Enjoy, have fun! Don't worry, alam ko naman na si ZAC ang ipinunta mo dito, eh. Makakapagsolo rin kayo. Paaalisin ko na ang mga bitches na 'yon maya-maya and aalis na rin ang buong 11SG when they had their fill sa drinks, okay? Sige, maiwan na kita dyan. Don't you dare leave, ha? Lagot ka sa'kin!"

Iniwan na siya nito at dahil gusto niya munang magpahangin ay pumunta siya sa veranda kung saan naabutan niya doon si Jia na mag-isang umiinom.

"Hi, Stef! Wala ka rin bang magawa like me? Grabe, Sean is having fun while I'm drinking here alone. Buti na lang at dumating ka 'cause I'm dying from boredom," may pagka-malala na sinabi ni Jia.

"Sort of. Kaya lang naman ako pumunta dito dahil sa pangungulit ni Kim, eh. Hindi ko naman inaasahan na maa-out of place pala ako dito."

"That's exactly how I feel. How are you na pala? Okay ka na?"

Tumango siya. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin ngayon si Jia lalo na't alam ni Jia ang nangyari.

"Don't look at me like that, Steffi. I know what you're thinking. Your secret is safe with me so you don't have to worry about me."

"Thank you, Jia."

"Oh by the way, may problema ba kayo ni ZAC? You guys are not even talking, eh. What happened? Dati, lagi kayong magkasama, ah?"

"Sa totoo niyan, hindi ko rin talaga alam. Umiiwas siya, eh. Gusto ko rin siyang makausap. Sana magawa ko 'yon mamaya."

"Jia, babe. Let's go," biglang tawag ni Sean sa girlfriend.

"I have to go. I hope that the two of you will go back to normal. Bagay pa naman kayo. Bye, Stef! Take care!" paalam nito sabay nakipag-beso beso sa kanya at umalis kasama ni Sean.

Dahil mag-isa na lang rin doon ay naisip niya na pumasok sa loob at agad siyang napansin ng 11SG kaya niyaya siya ng mga ito na makisama sa kanila. Magkakasama na kasi sila ngayon at nag-iinuman dahil sila na lang ang nandoon. Naroon si Zavier pati na rin si Kim na katabi ngayon ni ZAC at tahimik na nag-uusap.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon