[ 17.2 ] Best Friend

64.3K 756 38
                                    

Chapter 17.2: Best Friend

Agad na nagtingin tingin si Steffi sa tinitirhan ni Kurt nang makarating sila doon. Kagaya ni ZAC, nakatira lang din ito sa isang condominium unit at hindi sa isang bahay.

Ang ganda ganda ng mga tinitirhan nila pero mas pinipili nila na mapag-isa. Hindi ko rin maintindihan ang takbo ng isip nila, eh.

Malawak ang tinitirhan ni Kurt na unit pero mayroon lang itong isang kwarto at doon siya pinaderetso ni Kurt. Inayos niya rin kaagad ang mga gamit niya. Hindi rin naman siya nahihirapan dahil kaunti lang ang gamit na mayroon siya. Napatingin siya sa pinto nang bumukas ito at nakita niya si Kurt.

"Okay lang ba sa 'yo na sa isang kama lang tayo matulog o bibili na lang ako ng isa pa?"

"Bibili ka pa? 'Wag na. Okay lang naman sa 'kin na makihati. Pwede rin naman ako sa sofa matulog, eh."

"Tingin mo hahayaan ko na mangyari 'yon? Edi nalagot ako kay ZAC dahil nahihirapan ka."

"Edi tabi na lang tayo. Wala ka naman sigurong gagawin sa 'kin na masama, 'di ba? Lagyan na lang natin ng divider sa gitna."

"Pag-iisipan ko muna kung gagawan kita ng masama o hindi."

"Edi nalagot ka kay ZAC pag may ginawa ka sa 'kin. So, ikaw na ang pagsisilbihan ko ngayon?"

"Hindi na kailangan. Kakain na lang tayo sa labas. May cleaning service din naman kaya hindi mo na kailangan pang magpagod. Hindi ko alam kung bakit naniniwala ka kay ZAC. May naglilinis naman sa tinitirhan non at sa labas lang din 'yon kumakain."

"Eh ano'ng gagawin ko dito?"

"Bisita kita kaya wala kang gagawin. Kung kailangan mo ng pera, si ZAC na ang bahala doon."

"Ha? Ayoko nga! Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho. May alam ka ba na pwede kong pasukan na trabaho?"

"Wala. Mukhang hindi ka din tatanggap ng sustento kay ZAC. Kaya mula ngayon, ikaw ang gagawa ng schoolworks ko. Okay na ba 'yon?"

"Kung kaya na akong buhayin ng ibabayad mo sa 'kin, okay na 'yon. Oo nga pala, wala na akong load. Pwede ba akong makitawag?"

Hinagis sa kanya ni Kurt ang phone niya na nasalo niya din naman.

"Diyan ka na muna. Bibili lang ako ng pagkain."

Iniwan siya doon ni Kurt at saka siya napahiga sa kama.

Hindi ko alam kung paano nila ako nagagawang pagkatiwalaan agad. Ano na nga lang kaya ang magiging reaksiyon nila kapag nagkaalaman na?

Umupo na siya ulit at saka niya tinawagan si Zavier na agad rin namang sumagot.

"Oh, Kurt. Napatawag ka?"

"Ako 'to, si Steffi. Kakamustahin ko lang sana si ZAC."

"Ikaw pala 'yan, Stef. He's okay so there is nothing to worry about."

"Mabuti naman kung ganon."

"Si Steffi ba 'yan? Pakausap!" sigaw ni ZAC mula sa kabilang linya.

Naghintay na lang si Steffi na magsalita si ZAC dahil alam niya na ibibigay din ni Zavier ang phone kay ZAC.

"Bakit wala ka dito?"

"Nagtataka ka pa ba? Bawal ako dyan. Nandyan ang Daddy mo pati na din si Kim."

"Gusto kitang makita."

"May bagong na pala akong trabaho kaya hindi na ako magtatrabaho sa 'yo," pag-iiba niya sa usapan.

"Ano?!"

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon