[32] The Risk

266K 10.5K 4.2K
                                    

“This is not a motel, go get a room.”

Sabay kaming napatingin ni Storm sa lalaking bigla na lang nagsalita sa may tabi naming dalawa. Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang namumutlang mukha ni Jack. Nakatayo siya sa harapan namin habang nakatayo sa tabi niya ang IV stand kung saan nakasabit ang IV fluid na nakakonekta sa kanya. Seryoso lang ang ekspresyon ng mukha niya at hindi ko magawang mabasa kung anong nasa isip niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa amin habang hila-hila ang IV stand niya.

“If my memory serves me right, you two were supposed to settle my bills so I could finally leave this fucking place. But what are you two doing here? Having a date, huh?”

Napatingin ako kay Storm nang bigla siyang matawa.

“Don’t you dare laugh at me!” singhal ni Jack.

Itinaas ni Storm ang dalawang kamay niya na tila hudyat ng kanyang pagsuko kay Jack. “Okay, dude, relax. We’re just drinking coffee.” Natatawang saad niya.

“Wow. So this place is a coffee shop now, huh?” inis namang tanong ni Jack.

Pilit pinipigilan ni Storm ang matawa habang ako naman ay awkward na nakapagitna lang sa kanilang dalawa.

“So uhm do you want a coffee, too?” natatawang alok ni Storm.

“No, thanks. Now, can I have Summer back?” tanong niya at hinila ako papunta sa kanya.

Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya dahil sa ginawa niya. Hindi naman na napigilan pa ni Storm ang sarili at tuluyan na siyang natawa. Napa-iling na lang ako dahil sa itsura nilang dalawa. Tila ang kaninang seryosong pag-uusap namin ni Storm ay napalitan ng nakakatawang eksena dahil sa pag-asta ng ganster na ito.

Sabay-sabay kaming napatingin sa may harapan namin nang hinihingal na dumating roon ang mga kaibigan nilang iba’t-iba ang kulay ang buhok. Sa itsura nila ay mukhang tumakbo sila papunta rito.

“Damn it, Frost! Bat bigla ka na lang nawala? Hindi ba’t sinabi ko nang kami na ang maghahanap sa kanila?” hinihingal na tanong ni Andrew.

“How do you expect me to wait there when they’ve been gone for fucking more than ten minutes?!” inis na sagot niya sa kanila.

“Seriously? It’s not like they’re not coming back,” sagot naman ni Samuel.

“Psh!” ang tanging naging sagot niya at saka iniwas ang mukha.

Sabay-sabay naman silang frustrate na napakamot sa mga ulo nila.

“Hay ibang klase!” reklamo nila at saka isa-isang nag-alisan.

Ibinalik ko naman ang tingin kay Storm at nakitang nakangiti lang siya habang umiiling kay Jack na animo ay nang-aasar. Lumapit siya sa amin at saka niya ipinatong ang isang kamay niya sa kaliwang balikat ni Jack.

“Oh, pano, ayusin ko na muna ang bills mo para makaalis ka na rito. Sa palagay ko naman ay pwede ka nang umuwi dahil nagawa mo nang tumayo at hanapin kaagad si Summer na nawala lang ng ilang minuto sa paningin mo.” Natatawang saad niya.

“Shut up! Get lost!” inis na utos sa kanya ni Jack.

Tumatawang napa-iling si Storm at saka inilipat ang tingin sa akin. “Paano, Summer, iwan muna kita kay Jack ha?” paalam niya at kinindatan ako bago mabilis na umalis sa harapan namin.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay galit akong hinarap ni Jack.

“You’re a two timing woman.” Inis na saad niya.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTWhere stories live. Discover now