[44.1] Team Building

484K 10.7K 5.3K
                                    


[44.1] TEAM BUILDING


GAIL'S POV

"Fifth," tawag ko sa kanya habang nanunuod siya ng TV sa sala. Lumingon naman siya sa akin, uninterestingly. "3-days akong wala. Monday na ang balik ko. Pa'no ka?"

Friday na. Ang bilis ng araw, Company outing na namin. My problem is Fifth. Paano siya kung wala ako?

"Fifth..." Tawag ko sa kanya nung hindi siya sumagot. Alam kong nagtatampo siya. Sino ba namang hindi? Hindi siya kasama, plus the fact that he's alone here. Nakakabore at nakakalungkot yun.

"I'm fine. Don't worry about me. You can go now," sabi niya at bumalik na sa panunood.

Inayos ko ang backpack ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Nakakaguilty eh! "Fifth, ayos ka lang talaga? Kung hindi lang by department ang pwedeng sumama, isasama talaga kita."

He looked back at me, seriously. "I'm not a kid anymore. Okay lang talaga, Crystal. Don't worry," he then flashed his assuring smile.

Kahit papaano ay narelieve ako. Okay lang daw siya eh. Alam ko namang hindi na siya bata pero ewan ko ba! I just don't feel like leaving him here alone.

"Sure?" I asked assuringly.

He nodded his head and went back on watching. Hay nako! Basta babawi ako. "I'll keep in touch with you."

Palabas na sana ako ng penthouse nang tawagin niya ang pangalan ko. "Crystal..."

Syempre, nilingon ko siya agad. "Bakit? Pasalubong?"

He smiled and nodded. "Pasalubong and... You take care of yourself."

Nafifeel ko na magiging maganda ang araw na ito para sa akin. Fine, I admit. Nakaramdam ako ng kilig nung sinabi sa akin ni Fifth na 'You take care of yourself'. Simple reminder may it seemed, yet I don't know why I got this strange feeling. Oh sheesh, Gail. Get a grip of yourself. Si Fifth lang yan... Don't make yourself feel giddy when he's around you, okay?

I mentally nodded at my self-reminder. Work... Work... Work muna ang atupagin. Saka na 'yang--- Teka. I shook my thought off. Why am I thinking this way? Oh sheesh! Gail!!!

"Nandito na po tayo, Ma'am."

Napatingin ako sa labas ng bintana ng taxi. Nakaramdam ako ng excitement nung makita ang dalawang shuttle bus sa car park. That must be our service! So, nagbayad na agad ako sa taxi driver at lumabas na ng taxi, saka ko hinanap ang teammates ko; Finance Department. Nakakatuwa dahil lahat sila ay hyper at excited na. Yung iba nga ang daming dalang baon. Parang magfifieldtrip lang.

"Saan ba raw yung trip natin?" Tanong sa akin ni Sonia. Nagshrug lang sila, pati na rin ako since wala rin naman akong idea. Saan nga ba?

Ganun lang kami. Nakatayo lang kami sa gilid ng shuttle bus habang hinihintay ang ibang employees. Filipino time nga naman. 9AM ang assembly time tapos 9:30AM na hindi pa kami kumpleto?

"Ehem."

Napalingon ako sa tumikhim. As usual, sino pa ba ang usually na nanggugulat sa akin tuwing nakatalikod ako?

"Is your department's attendance complete?"" He asked while looking down at me.

Tumingin naman ako sa teammates ko at binalingan ulit siya. "Yes, I think so. Yours?"

"We're complete already. The logistics isn't yet."

"Oh, I see."

Umiwas na ako ng tingin at tumingin nalang dun sa shuttle bus. Magtatanghali na. Hindi pa ba kami aalis? Oh well, baka alam ni Kurt kung saan ang venue ng team building?

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon