Chapter 27: Desperate Move

2.6K 58 9
                                    

Hindi maayos yung tulog ko dahil sa kakaisip kay Sage. Yung pagsali niya ng frat.Yung initiation. Yung mabubuti niyang ginawa sa akin. Hindi maganda ang pagkakakilala namin pero bumabawi siya sa akin. Bumabawi siya pero hindi ko parin inalis yung pader na hinarang ko para sa kanya.

Pumasok ako ng school na ang gusto kong unang makita ay si Sage. Nakakaloko man kasi dati siya ang huli kong gustong makita. Nagaalala talaga ako sa kanya. Nung dumaan ako sa parking lot eh wala pa yung sasakyan niya na si 'Little Bastard'. Napahinto ako sa may tapat ng Mirror House, wala paring tao dun.

Hindi naman siguro siya binalikan nung Rowan na yun diba?

Napahinga ako ng malalim.

Asan na kaya si Sage?

"Hannah, one!"

Kinabahan ako sa narinig kong boses. 

Si Clyde na kasi ang pinakahuli kong gustong makita ngayon. 

"Clyde" ngumiti ako ng malaki sa kanya.

Nakakunot ang noo niya na nakatingin sa akin. "May atraso ka sa akin. Di mo ba alam?"

Nakita ko na hawak hawak ni Clyde yung iPhone niya na sobrang higpit.

"Ano?" nagmaangmaangan ako. Alam ko na kung ano ang ginawa ko sa kanyang mali. Hindi ko nasagot yung mga tawag at text niya kagabi.

"Sinisira mo ang ulo ko kakaisip sayo"

Hinablot niya ang kamay ko at hinila papasok sa may Mirror House. Dumeretso kami sa kwarto niya. Nung nakapasok na kami ay dun niya lang binitawan yung kamay ko para isarado niya yung pinto.

"Asan ang cellphone mo?"

Dun ko lang naalala na hindi ko nga pala yun kinuha sa ilalim ng unan ko.

"Nakalimutan ko"

Huminga ng malalim si Clyde. "Diba sabi ko tawagan mo ako?"

"Pasensya na. Nakalimutan ko talaga"

Hinagis ni Clyde yung cellphone niya sa sahig. Nakalas yung casing nun.

"Ganyan ka ba talaga? Ayos lang sayo na nagaalala sayo ang ibang tao? Aanhin mo pa yung cellphone na yun kung hindi mo naman gagamitin?"

Ang lakas ng boses niya. Galit na galit siya kasi hindi ko nasagot yung tawag at text niya.

"Bakit ka ba ganyan? Hindi ba halata sayo na okay lang ako. Andito ako sa harap mo ibig sabihin nakauwi ako ng ayos kahapon"

"Anong sabi mo? Ikaw lang ang nakakagawa sa akin nito. Alam mo bang kulang na lang eh sumugod ako sa inyo para icheck kung ayos ka lang. What the fuck are you thinking Hannah? Ikaw lang ang nakakagawa sa akin ng ganito. Pinapaikot mo ako na parang laruan mo. Hindi ako nakatulog kakahintay sa reply mo tapos sasabihin mo nakalimutan mo? Fuck shit excuse!"

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon