Chapter 15 Unexpected Help

2.8K 52 11
                                    

Parang umiikot ang mundo ko sa mga nangyayari ngayon. Hindi parin matigil sa kahihiyaw at kakakuha ng mga litrato namin ni Sage ang mga tao dito. Si Clyde naman ay pinipigilan parin ni Anton at Miguel na tinulungan na din ni Brian at Dustin.

"BITAWAN NIYO KO! ANO BA?!" sigaw ni Clyde na galit na galit.

Lumapit si Jasmine kay Clyde at hinawakan ang braso nito "Dont make a scene Clyde. Wag dito. Wag ngayon"

Huminga ng malalim si Clyde at kumalma.

Scene? Ako ang gumawa ng palabas dito at hindi si Clyde. Nasira ko pa tuloy ang araw niya. Bakit ba ako nahulog sa patibong na ginawa ni Sage? Umalis ako sa tabi ni Sage na mukhang wala namang paki sa akin.

Nung papunta na ako kay Emily ay mukhang nagaalala siya sa akin.

"Hannah, ayos ka lang ba? Eto ba yung mangyayari kaya mo hinahanap si Sage?"

"Emily sa susunod na lang tayo magusap. Gusto ko na talagang umuwi"

Iniwasan ko si Emily kahit na narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko.

Nagmadali akong naglakad sa corridor. Gusto ko na lang talaga lumayo sa lugar na ito. Parang bumabalik lahat sa akin yung nangyari sa nakaraan kong eskwelahan. Yung mga panahon nila na nabully ako kasi nabankrupt ang tatay ko. Ngayon naman nabubully ako dahil sa pagkakakabit ko sa pangalan ni Clyde at Sage. 

Im always at the wrong place at the wrong time.

Biglang tumunog yung cellphone ko na nasa palda ko. Hindi ko na kailangang tignan yun kung sino man ang tumatawag. Si Clyde yun panigurado. Hinahanap niya ako. Kailangan ko na umalis dito bago niya pa ako maabutan. Hinayaan ko na lang na tumunog ng tumunog yung cellphone ko.

Para akong nawawala sa sarili ko nung tumigil ang pagtugtog ng cellphone ko. Bigla nalang may humablot sa kaliwang kamay ko.

Kaharap ko ngayon si Clyde na galit na galit ang mga mata na nakatingin sa akin.

"Hindi mo ba ako narinig? Tinatawag kita kanina"

Akala ko andun pa din siya kasama ang iba niyang kamiyembro at si Jasmine. Akala ko kalmado na siya dahil sinabihan siya ni Jasmine na wag gumawa ng gulo. Pero andito siya sa tapat ko at hindi mapakali dahil sa pagkainis sa akin.

"Clyde uuwi na ako" sinusubukan kong bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ano?! Tatakasan mo na lang ang ginawa mo? Bakit andito ka? Bakit mo kasama si Sage?"

Hindi ko masagot ang tanong niya. Hindi niya dapat malaman na binantaan ako ni Sage na pagtritripan niya si Emily pag hindi ako pumunta. Alam kong magagalit siya at aawayin si Sage at baka madamay pa si Emily.

"Bakit ka andito Hannah? Akala ko ba hindi ka pupunta?" Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon