Chapter 20: Friends?

2.7K 59 8
                                    

"Hindi mo idadamay si Jas dito, Sage"

Tumalas yung tingin ni Clyde kay Sage. Yung tipong isang salita pa na sasabihin ni Sage na hindi maganda ay susugurin na siya ni Clyde at masusuntok.

May kung anong sumuntok sa tiyan ko habang tinitignan si Sage ngayon. Nanikip yun kasabay ng sa tingin kong pagbilis ng hininga ko.

Mahalagang mahalaga si Jasmine kay Clyde. 

Alam ko na yun dati pa pero parang hindi yun tinatanggap ng sarili ko. May kung ano parin sa akin ang nagugulat at habang patagal ng patagal ang pagkakakilala ko kay Clyde ay mas lalong di ko yata nakakaya na mahalaga sa kanya si Jasmine.

Natawa si Sage sa sinabi ni Clyde. "Tell me Clyde. Sino ba talaga? Si Jasmine o itong si Hannah? You cant play both dolls."

"Hindi sila laruan"

"Oh really? Eh bakit pinaglalaruan mo sila? Dont make their hopes up. Alam naman natin kung sino ang pipiliin mo sa huli. You always choose the first."

Ayoko nang makinig sa pagpapamukha ni Sage kay Clyde na si Jasmine ang lagi niyang pipiliin. Hindi ko na makayanan ang pwede ko pang maramdaman pag nagpatuloy pa sila sa paguusap ng ganito. Buti na lang mukhang ganun din ang nararamdaman ni Clyde.

"Sisiguraduhin kong matatapos ang isyu niyong dalawa ni Hannah kaya ngayon palang Sage dumistansya ka na. Ayokong nakikita kang umaaligid sa kanya" humarap sa akin si Clyde at nagsalita. "Tara na Hannah"

Nauna nang umalis si Clyde. Gustuhin ko mang sumunod ay hindi ko agad nagawa. Nakita ko kasi kung paano nainis si Sage sa sinabi ni Clyde.

Bakit kailangan niyang mainis ng ganito?

Kung gusto niyang may gawin na masama kay Clyde bakit kailangan na ako ang gamitin niya? Siya na ang may sabi, Clyde will always choose the first. Bakit hindi si Jasmine ang gamitin niya? Halatang halata naman na si Jasmine ang weakness ni Clyde.

Napatingin sa akin si Sage. Sinubukan niyang ngumiti sa akin kaya napakunot ang noo ko.

Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Sage?

"Hannah one!" napatingin ako kay Clyde na pabalik na naglalakad ng mabilis papunta sa akin. "Bakit nakatanga ka pa diyan?"

Naglakad na ako at nilagpasan si Clyde. Kahit kailan ata ay hindi ko maiintindihan ang gulo na napasukan ko.

Naglakad ako ng mabilis para hindi na ako maabutan ni Clyde pero mukhang hahabulin niya ako kahit saan aKO magpunta.  

"Hannah!" Kunwari hindi ko siya narinig at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Hannah one!" Napapikit ako sa pagkairita pero hindi parin ako tumigil sa paglalakad.

Maya maya lang ay may humablot sa braso ko. "Ano ba?! Kanina pa kita tinatawag ah?"

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon