Chapter 46: He might not come back

998 34 9
                                    

Ang isang linggo naging dalawa na pero wala paring kasiguraduhan kung kelan babalik si Clyde. Para akong nauupos na kandila habang naghihintay ng araw na babalik siya.

Araw-araw palakas na palakas ang pagpiga sa puso ko dahil hindi ko pa siya madatnan sa school. Pero sa kabila nun hindi ako umiyak. Hindi ako umiyak kahit na pinagbubulungan ako sa buong school na iniwan ni Clyde dahil nagsawa na siya sa akin. Hindi ako umiyak kahit na halos mabingi na ako sa pagpaparinig ng grupo nila Carla na nakakawa ako. Hindi ako umiyak kahit na wala akong nakuhang paliwanag kay Clyde o kahit sa mga kagrupo niya kung bakit kailangan niyang maiwan dun. Hindi ako umiyak kahit na gustong gusto ko na. Nagpanggap ako na ayos lang lahat. Pinakita ko na okay lang ako sa tipong maiisip nila na alam ko ang di pagbalik agad ni Clyde. Sinubsob ko ang sarili ko sa pagaaral at sa pagtulong kay Sage sa pagpapractice. Pero sa pagtatapos ng araw natutulog ako na hindi pumapalya na tignan ang cellphone ko kung nagparamdam na ba siya. Natatapos ang araw ko na nadudurog ang puso ko.

Ganun naman ata. Ito na siguro yun. Yung mauuntog si Clyde at magigising siya na wala naman talaga siyang nararamdaman sa akin.

Nahuhuli ko ang sarili ko na lagi na lang tulala. Iniisip ko na ang hirap ng haharapin ko kung iniwan na nga ako ni Clyde sa ere. Mahal ko na siya at di ko alam kung mababago pa yung nararamdaman ko sa kanya.

Bukod kay Emily, si Sage lang ang nakakapansin ng paghihirap ko. Alam kong naaawa siya sa akin pero ayokong kinakaawan ako kaya wala akong magawa kundi balewalain ang ginagawa niya para sa akin.

Tuwing umaga dadaan muna siya sa classroom ko na may dalang kung ano anong pagkain. Dadaan din siya kung kelan niya gusto para kamustahin ako. Minsan pa ay hinhintay niya akong matapos sa klase para sabay kaming pumunta sa court para sa practice niya. Lalo tuloy kami pinagtsitsismisan na alam daw ni Clyde na may relasyon kami ni Sage kaya ayaw niya na munang bumalik sa school. Sinaktan daw namin si Clyde. Pinagpalit ko daw siya.

Alam ko sa sarili ko na hindi totoo yun. At naniniwala ako na kung makarating man yun kay Clyde, alam kong kakausapin niya ako. Alam kong papakinggan niya ako katulad ng lagi niyang ginagawa.

Mainitin ang ulo ni Clyde pero malaki ang puso niya. Huli man minsan ay marunong siyang umunawa. Hindi siya madamot makinig.

Nagprapractice ng shooting si Sage habang inaayos ko yung mga bola sa may trolley nung lumapit siya sa akin.

"Okay na. Tapos na tayo" tumingin ako kay Sage at binaba ang bola na hawak ko. Tumalikod ako sa kanya at pumunta sa bleachers kung nasan ko nilapag ang bag ko.

Ganun kami. Simula nung araw ng contest hindi na kami nagusap pa ni Sage patungkol kay Clyde. Walang komprotasyon na nangyari. Alam ko naman pinipigilan niya lang ang sarili niya na awayin ako dahil sa katangahan ko kay Clyde. Pero alam niya din na hindi yun ang kailangan ko sa ngayon.

Hindi ko lang akalain na ngayong araw na siya mapupuno sa akin.

Dala dala ko na ang bag ko nung lumapit sa akin si Sage.

"Sinabi kong tapos na tayo pero di ka pa pwedeng umuwi"

Tumingin ako bigla sa kanya at gustong magprotesta.

"Wag kang tumingin ng ganyan sa akin. Sasama ka sa ayaw o sa gusto mo. Yamot na yamot na ako sa ginagawa mo sa sarili mo, Hannah"

Tinignan ko ang relos ko "Uuwi na ako. Tapos na ang practice natin"

Paalis ako sa harapan niya nung bigla niya akong binuhat at sinampa sa may balikat niya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan"

"Ano ba Sage! Ibaba mo ako! Ayokong sumama sayo. Gusto ko ng umuwi! Ano ba!"

"Ang pinakaayoko talaga sa babae ay yung pakipot"

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon