Chapter 26: Saving myself

2.6K 53 10
                                    

"Hintayin mo ko dito. Dont ever think of moving even an inch. Babalikan kita agad" umalis sa harap ko si Sage bago pa ako nakapagsalita. 

Pumasok siya sa Mirror House. Napatingin ulit ako kela Clyde. Kausap na niya si Anton at si Brian ngayon. Mukhang nagsimula na talaga ang practice nila. Si Jasmine ay andun na sa sofa ay nagaayos nung mga damit na nasa paperbag kanina.

Kahit na hindi sila naguusap ngayon may iba parin akong nararamdaman. Para akong naiinis na nayayamot. Ano bang nangyayari sa akin? Tumalikod ako sa Mirror House at humawak ng mahigpit sa backpack ko. Naninikip ang dibdib ko habang naglalakad papalayo. 

Ako na siguro ang pinaka-ipokrita na babae kasi gusto kong makasama si Clyde ngayon kahit na ibig sabihin nun ay hahawakan niya lang ang kamay ko ng 25 minuto.

Napailing ako. Bakit ba gusto kong lumagpas sa linya na  kung saan hindi pwede? Ayoko na talaga ng nararamdaman ko.

Napahinto ako bigla nung may humila sa bag ko mula sa likod. 

"Diba sabi ko sayo hintayin mo ko? Bakit ba ang hirap mong makaintindi?"

Liningon ko si Sage halatang nainis siya sa ginawa kong pagiwan sa kanya pero wala na talaga ako sa mood. 

"Gusto ko na umuwi" malumanay kong sabi sa kanya.

Nakita ko kung paano nagbago ang itsura niya mula sa pagkainis ay naging kalmado yun.

"Sometimes I wonder if I can still save you from Clyde."

"Ha?"

Naguguluhan talaga ako kay Sage pag sinasabi niya na gusto niya akong iligtas kay Clyde. Oo may mga ginagawa siyang mga kalokohan pero at the same time sa tingin ko ligtas ako pagkasama ko si Clyde.

"Kung gusto mong umuwi, ihahatid kita. Kung ano ang gusto mong gawin yun ang gagawin natin. Sasamahan kita. Hindi na ako aattend ng practice."

"Bakit mo gagawin yun?"

"Gusto mo bang ulit ulitin ko sayo para maniwala ka? I find you interesting than other girls here."

Natigilan ako sa sinabi ni Sage "Baka malaman ni Clyde na-"

"Can you please stop thinking of him just for this moment?" tumaas ang boses nun ni Sage.

Napayuko ako. Masyado na bang halata ang nararamdaman ko ngayon? Para akong nagtatanga tangahan sa talagang nararamdaman ko kahit kitang kita na yun ng iba.

"Let me make you smile"

Napatingin ako kay Sage. Sinubukan kong ngumiti sa kanya para wag na siyang magalala sa akin.

"Not that fake smile. Dont let me beg for your attention, Hannah. Im a guy and I have what they call an ego"

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon