Chapter 3: Xerox

3.1K 57 6
                                    

Bumalik ako ng classroom na malalim ang iniisip. Isang taon lang naman Hannah. Magiging tutor ka niya ng isang taon. Kung sa school calendar, siyam na buwan na lang. Tapos imiminus mo pa yung mga weekends ng bawat buwan at yung mga holidays. Sa tingin ko kaya naman. Hindi naman 24 oras ko makakasama si Clyde. Pero yung totoo? Stage 1 palang yung pangbablackmail niya sa akin? Paano pa yung ibang stage?

Naku Hannah, masyado ka atang nagiisip. Baka expression lang yun ni Clyde. Alam mo na para matakot ka.

Pagkapasok ko ng classroom ay medyo marami na ang tao. Pagtingin ko sa dulo ng room kung saan nakaupo si Clyde ay may 2 bakanteng upuan. Ang nakakapagtaka nito ay maliban kay Clyde ay wala pa akong nakikitang miyembro ng Jedi Conspiracy na pumapasok sa klase namin. 

Lumapit ako kay Emily na may binabasa ata. Napatingin sa akin si Emily pagka-upo ko.

"Hannah, buti andito ka na. Naayos mo na ba yung admission papers mo?"

Ngumiti ako kay Emily "Ayos na" Medyo linapit ko ang upuan ko kay Emily para makausap siya.

"Bakit parang di ko nakikita yung ibang miyembro ng Jedi Conspiracy sa klase natin?"

Natigilan si Emily sa sinabi ko at napangiti. 

"Dont tell me fan ka na din?"

Ano? Umiling agad ako. Fan agad? Hindi ko pa nga nakikita kung paano sila sumayaw eh.

"Hindi. Nakakapagtaka lang kasi isang grupo sila pero si Clyde pa lang ang nakikita ko"

"Ahh, si Brian at Dustin, third year pa lang sila. Si Anton naman dapat talaga dito siya sa section natin pero mas pinili niya na mapunta sa second section dahil siya ang leader ng grupo. Oh diba bongga? My dedication! Si Sage naman, hindi talaga nagaaral yun. Alam ko dapat sa pinakahuli siyang section pero napakiusapan na sa second section na lang siya ilagay. So sa klase natin ang nandito lang ay si Miguel at si Clyde"

Medyo napanatag ang dibdib ko sa sinabi ni Emily. Pumasok kasi sa isip ko na baka isali pa ni Clyde ang mga barkada niya para turuan ko din. Medyo absurd thought siya pero bakit hindi? Mahirap nga naman yun lalo na kung tama ang paniniwala kong ugali nila.

Nagsimula na ang klase pero dalawang silya ang bakante sa likuran. Ang isa dun ay kay Clyde at yung isa ay kay Miguel siguro.

Nung recess na ay sabay kaming lumabas ni Emily para kumain. Nagkakasundo na talaga kami sa mga bagay bagay at sa tingin ko matutulungan niya akong hanapin ang kahinaan ni Clyde. Oo alam ko magtitiis ako ng isang taon pero kung kaya kong makawala sa kanya eh bakit hindi ko subukan diba?

Bubuksan ko na sana yung pinto ng cafeteria nung may humawak nito sa loob para buksan din. Napatingin tuloy ako sa kung sino ang nasa kabilang pinto at napabitaw ako sa hawakan nito. Ngumiti sa akin yung lalaki at binuksan yung pinto pero imbes na mauna siyang lumabas ay tumungo siya para sumenyas sa akin na pwedeng mauna na ako sa pagpasok.

"Thank you" sabay ngiti ko sa kanya.

Napangiti din siya at sabay lumabas ng cafeteria.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon