Chapter 18: Jolt of Electricity

2.9K 64 12
                                    

Hello. Hope you could watch the trailer of My Miracle (at the right side) made by Juls aka maldita_daw here in Wattpad. Thank you Juls! You are a talented girl! Thank you also to OhSehunPrincess for making the video happen and for promoting the story. You are so sweet! <3

_______________________________________

Anong sinabi ni Clyde?

Hindi ko maintindihan. Sinabi niya bang pagmamayari niya ako? Sinabi niya bang sa kanya ako? At gusto niyang nasa kanya ako?

Gulong gulo ang isip ko sa sinabi ni Clyde. Hindi ko na namalayan ang nangyari sa paligid ko. Iniwan na lang naman si Sage basta at pumasok kami sa sasakyan ni Clyde.

Halata mong napikon talaga si Clyde sa nangyari pero hindi niya parin binibitawan yung kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay namin. Ngayon ramdam na ramdam ko na yung paghawak na ginagawa niya. Alam mo yung tipong dapat hindi mo yun maramdaman pero parang yun ang highlight ng kinikilos mo. Tulad ng paghinga, minsan nararamdaman mo ang paghinga mo kasi napapansin mo yun. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Naka-highlight sa akin yung paghawa ni Clyde ng kamay ko. Mahigpit na malambot. Yung tipong hindi ka niya bibitawan at hindi ka din niya sasaktan.

Tinignan ko si Clyde na nakatingin sa akin ngayon. Napatingin din siya sa kamay naming magkahawak bago niya binitawan iyon.

Bigla siyang umubo na parang kinaklaro niya ang lalamunan niya.

"Tara na manong"

Umandar yung sasakyan pero hindi na ako ulit tinignan pa ni Clyde.

Galit na naman ba to sa akin?

Hindi pa nga tapos yung una eh. May panibago na naman?

"Clyde" lakas ng loob kong tawag sa kanya.

Nagsalubong yung kilay ni Clyde nung tumingin siya sa akin. "Asan ka ba kasi nagpunta? Diba sabi ko Mirror House?"

"Kanina pa ako nasa Mirror House" mahina kong sabi sa kanya.

"Eh bakit hindi kita nakita?" seryosong tanong sa akin ni Clyde.

"Andun kasi ako sa may bandang likod ng Mirror House eh. Dun kita hinintay."

"Bakit dun? Pwede namang manuod ka muna sa amin habang hinihintay mo ako ah!" Halatang napipikon na siya.

Hindi ko na sinagot yung tanong ni Clyde. Ayoko na sabihin sa kanya yung mga narinig ko kanina. Tulad ng dati, ayokong magsumbong.

"Teka, paano mo nalaman na andun pa ako sa school?"

"Kasi pumunta ako sa bahay mo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Clyde. "Pumunta ka sa amin? Bakit pa?"

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon