Chapter 28: First One

2.5K 52 5
                                    

Nakatunganga ako bago magempake ng mga gamit ko. Nawala sa isip ko kung paano ako napapayag sa gusto ni Clyde sa pagpunta sa country club sa lugar namin ng tatlong araw para tulungan siya magaral.

Kung paano kami napayagan ng school board, eh hindi ko na alam kung paano niya ginawa. Next week na ang exam eh nagawa niya pa ang ganitong kalaking move. Kahit kelan talaga hindi na ako magdududa sa kapangyarihan niya.

May malakas na katok akong narinig mula sa pinto ko.

Mukhang andito na siya.

Binuksan ko ang pinto at di na ako nagtaka sa bumungad sa akin. Nakasandal ang siko ni Clyde sa may tabi ng pinto habang inaayos yung cap niya. Naka red at black tshirt siya at black pedal shorts. May suot suot din siyang silver na kwintas na may malaking manibela na gamit ng mga barko.

"Ano na? Alis na tayo"

Hindi ko siya pinansin at bumalik ako sa lugar kung saan ako nageempake. Pinagpatuloy ko yun kahit na alam kong nakapasok na si Clyde sa kwarto ko. Simula nung araw na nagkasagutan kami sa Mirror House ay hindi pa kami nakakapagusap ng maayos. Sumasagot lang ako sa kanya pag may kinalaman ang itatanong niya sa pagaaralan namin. Legal na kasi ang pagtuturo ko kay Clyde. Dahil dun sa student assistance program eh sa kanya ang oras ko simula uwian hanggang 8 pm araw araw. Binili niya nga ang oras ko ng ganun kadali. Walang hirap niyang nagawa yun. Naiinis ako sa ginawa niya pero at the same time nagtataka ako kung bakit ganito ang attensyon na binibigay niya sa akin. Hindi kasi ako sanay at lalong hindi nararapat to sa akin.

"Kung di ka pa matatapos within 5 minutes lahat ng nakalimutan mo bibilhin na lang natin dun"

Umalis si Clyde sa kwarto ko. Ayoko ng ganito kami. Para kaming mga sira na nagaasal bata. Wala naman akong gustong dalhin eh. Ayoko ngang sumama sa kanya pero wala na akong magagwa kasi siya ang nagpapasweldo sa akin.

Inayos ko yung mga dadalhin ko at sinarado ang bag ko. Kung magaaral kami wala na akong masyadong dapat dalhin.

Papalabas na ako ng kwarto nung tumunog yung cellphone ko na nasa bulsa ko. Hindi nakaregister yung number. Napaisip ako kung sino yun pero sinagot ko pa din siya.

"Hello?"

(Mulan) mahinahon na sagot ng lalaking kilala ko na kung sino.

"Sage"

Naramdaman ko na napangiti siya sa sinabi ko.

(Saan kayo pupunta ni Clyde? Anong plano niyo?)

Natigilan ako sa sinabi ni Sage. Alam kong confidential ang pagiging student assistant ko sa school. Kahit na yung pagtuturo ko kay Clyde eh hindi pwedeng malaman ninoman.

"Pano mo nalaman? Wala dapat makaalam nun"

(Edi magkasama nga kayo bukas?)

Napahinga ako ng malalim. "Oo pero Sage hindi pwedeng malaman ng iba"

(Hindi ko din alam. Hinuli lang kita. Sinabi sa akin ni Anton na wala daw si Clyde ng tatlong araw. That is very unusual for him to skip practices then you popped into my mind. Alam kong its either Jas or you will be the reason behind it. Hindi ko akalain na ikaw)

Naoverwelhm ako sa sinabi ni Sage. Bago pa ako nakasagot eh pumasok si Clyde sa kwarto ko.

"Hannah ano ba?"

Napatigil siya nung nakita niya ako na may kausap sa phone.

"Sino yan? Bakit namumutla ka?"

"Wala.. Kaklase natin"

Nagtaka si Clyde sa sinabi ko. "Sinong kaklase, Hannah?"

Bago pa ako makasagot eh kinuha ni Clyde yung phone ko at sinagot yun.

My MiracleOnde as histórias ganham vida. Descobre agora