Chapter 2: Stage 1

3.4K 61 8
                                    

Pumasok pa rin ako kinabukasan sa kabila ng pagtatangka sa akin ni Clyde. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya sa akin pero ganun din ang mga bantang natanggap ko sa dati kong school at hindi ako umalis dun hanggat hindi pa yung tatay ko yung nagsabi na kailangan ko na lumipat ng ibang school.

Kahit na sanay na ako sa anumang pagbabanta ay kinabahan pa rin ako sa pagpasok sa eskwelahan. Halos mabali na ang leeg ko sa paglingon-lingon sa gilid ko kasi baka sumulpot si Clyde. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad kasi sa tingin ko ligtas ako pag nasa room na ako.

"Hannah!"

Nagulat ako sa tumawag sa akin kaya hindi kaagad ako nakalingon.

"Hannah!"

Palapit ng palapit sa akin yung boses na yun. Nung lumingon ako ay si Emily lang pala yung tumatawag sa akin.

Napahinga ako ng malalim. "Emily! Ikaw lang pala yan!"

Napahawak si Emily sa akin. "Good morning!"

Ngumiti ako sa kanya "Good morning!" Medyo nawalan ako ng kaba kasi nasa tabi ko na si Emily.

"Mukhang magiging puno na naman ang Mirror house ngayon"

"Mirror house? Ano yun?

"Kung saan nagprapractice ang Jedi Conspiracy. Alam mo bang pinagawa yun para sa kanila. Mirror house siya kasi sa loob one way lang makikita mo. I mean yung natural na mirror lang. Yung nakikita lang nila Clyde at nung grupo niya ay sarili lang nila. Sa labas iba naman. Kitang kita mo yung ginagawa nung nasa loob. So lahat ng tao dito nanunuod sa kanila tuwing practice nila."

Nabigla ako sa sinabi ni Emily. Alam ko nakita ko na yun eh. Yung solong building ata sa gilid ng theater ng school. Akala ko nung una glass house yun tas sasabihin ni Emily na ginawa yun para sa kanila.

"Ganun pala sila talaga kasikat no?"

"Oo, at ganun din sila makapagyarihan"

Makapangyarihan? Kinabahan ulit ako nung sinabi yun ni Emily. Ngayon nagsink in sa akin lalo yung mga sinabi ni Clyde kahapon. Sana nagbibiro lang siya. Sana talaga.

Papasok na kami ng school building nung napahinto si Emily sa may bulletin board.

"Oh my! Hindi ko akalain na meron na silang bagong poster!" halatang excited si Emily na kinuha yung iPhone niya at kinunan ng picture yung poster.

Napatingin ako sa poster na kinunan ni Emily. Anim na lalaki ang bumubuo nito. Napakunot ang noo ko nung nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Si Clyde yung nasa ibabang gitna nung poster. Nung tinignan ko yung ilalim ng poster ay nakalagay nga yung pangalan ng grupo nila.

Pagkatapos ilagay ni Emily yung cellphone niya sa bag niya ay napatingin siya sa akin.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon