Chapter 50: What I have become?

904 42 16
                                    

Lumayo na nga sa akin ng tuluyan si Clyde. Yung mga sinabi niya ang nagsilbing patunay na may nagbago na nga sa amin. Mukhang tinanggap agad yun ng mga estudyante sa school. Kinabukasan nga eh agad nila pinagpyestahan yung video na kung saan hinalikan ni Clyde yung waitress dun sa bar pagkatapos niyang uminom ng 3 shots ng alak. Lahat natuwa na hindi na siya yung dating Clyde na bumubuntot sa isang babae. Lahat sila naging masaya maliban sa akin.

Kung dati hindi nila ako pinapansin eh ngayon parang nabubuhayan sila pag nakikita ako. Lagi nilang binabalandra sa akin ang mapaglaro nilang mga ngiti na pinapahiwatig na alam na nila na ito ang mangyayari sa akin nung naging kami ni Clyde. Buti na lang andyan lagi si Emily para kahit saglit mawala sa isip ko na mukhang wala na nga kami ni Clyde.

Pagnakikita ko kasi si Clyde hindi niya ako tinitignan. Pagkatapos ng klase ay dumederetso na kaagad siya sa Mirror house para magensayo. Bulong-bulungan tuloy ng mga tao na siya na ang napili na pupunta sa Macau at hindi si Anton. Kaya siya nagtagal sa CDO ay dahil pumirma na daw siya ng agreement ng paglipat niya. Sabi pa ng iba, pinili daw ni Clyde ang pangarap niya kesa sa akin. Pero ano nga ba ang pangarap niya? Maging world dancer o ang bumalik sa kanya si Clare katulad ng nangyari sa CDO? Alinman sa dalawa wala akong kinalaman dun. At mukha namang natupad niya yung dalawa na yun nung nawala siya.

"Kailangan ko makapagpost ng panibagong magandang picture kung sinoman sa JC. Hanggang ngayon pinagpyepyestahan parin nila yung picture ni Clyde at nung babaeng haliparot na yun" banas na banas na sabi ni Emily  habang nagchecheck siya ng fb niya gamit ang phone niya nung palabas kami sa cafeteria.

Napabuntong hininga ako sabay ngiti sa narinig ko. Kahit na gawin yun ni Emily wala ng magbabago. Nasasaktan ako kasi ngayon hindi na kwento-kwento lang si Clare. Totoo siya at kahit si Clyde ay kinokonsidera siya.

"Congrats Hannah" nagulat ako sa nakalahad na kamay ni Nathan sa harap ko.

"Bakit?" yun lang natanong ko.

"Mukhang kailangan ko magaral ng mabuti ah. New student ka pero nakuha mo na agad ang 2nd spot ng Top 100 students sa school"

"Seryoso? Waaaa! Ang galing mo Hannah!" yakap sa akin ni Emily.

"May results na yung exam?" yun lang ang tanong na nabigkas ko.

"Yup. Kakapost lang ngayon"

"Tignan natin?" tanong sa akin ni Emily.

Tumungo lang ako kay Emily.

"Sige, salamat Nathan"

Ngumiti sa amin si Nathan at dumeretso na kami ng lakad. Kung totoo nga yung sinasabi ni Nathan, pang ilan kaya si Clyde? Sana naman may natutunan siya sa lahat ng study sessions namin.

Pinagkakaguluhan yung bulletin board nung dumating kami ni Emily. Kanya-kanya ng kuha ng litrato ang bawat isa sa listahan ng Top 100 ng buong 4th year sa school. Ang alam ko lagpas kami ng 100. Yung mga di kasama sa listahan lalapit na sa principal's office kung gusto nila malaman ang place nila. Sumiksik kami ni Emily sa mga tao doon para tignan yung listahan.

Pero bago ko hanapin ang pangalan ko, hinanap ko muna yung pangalan ni Clyde.

19

Out of 100, 19th place si Clyde.

Napangiti ako. Yung ngiti na galing talaga sa puso. Ang galing niya kahit na may contest siya pasok pa din siya sa upper 1/4 ng 4th year students.

"Hannah!!!! 29 ako. Dati laging 40 plus lang yung ranking ko. Ngayon nakapasok ako sa top 30" Sobrang saya ni Emily na napapatalon habang nakayakap sa akin.

"Congrats, Ems!"

"Mas congrats sayo" tinuro niya ang pangalan ko na nakalista sa ibang listahan.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon