Chapter 22: We're fine

2.7K 61 8
                                    

Napalunok ako sa sinabi sa akin ni Sage. Nakatitig lang siya sa akin at seryosong seryoso sa sinasabi niya. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya kasi may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko. Kumakalabog yun na ewan at alam kong hindi yun sa gutom.

Wag kang maniwala sa kanya, Hannah. He is a player. Sinabi na rin sayo ni Clyde na wala siyang babaeng hindi napasagot. Jusko, bakit ako yung nasa posisyon na ito?

Tinignan ko yung orasan ko. Ambilis nung oras. 20 minutes na lang next subj na. Alam kong maaga pa pero tumayo na agad ako.

"Babalik na ako sa klase" sabi ko kay Sage.

"Maaga pa ah?"

"Maglalakad pa ako pabalik ng room eh."

Biglang tumayo si Sage. "Ihahatid na kita"

Napailing agad ako kasi naisip ko si Clyde. "Wag na. Hindi naman ako maliligaw"

Hindi ako pinakinggan ni Sage at naglakad siya papunta sa unahan ko. "Dont make excuses Hannah. Ayoko sa mga tong kinahihiya ako na kasama"

Halata sa boses ni Sage na naoff siya sa sinabi ko.  Iniwan niya na ako sa kwarto at umalis. Napakagat tuloy ako sa labi ko. Ginawan ko na naman siya ng masama. He is just being nice to me.

Lumabas na ako ng mini planetarium ng school namin. Wala si Sage sa labas. Mukhang nabadtrip ko ata siya.

Naglakad na lang ako pabalik sa room. Gulong gulo ako sa mga sinabi ni Sage sa akin. Sino ba naman ang babaeng hindi mafafall sa kanya. Lahat ng sinasabi niya yun yung mga gustong bagay na marinig ng mga babae. Akala ko nga nasa isang telenovela o isang romance book ako eh.

Pumasok ako sa room at may narinig akong nagsalita mula sa grupo nila Carla.

"Ayan na siya"

Tinignan ko sila at mukhang hindi nila gusto na makita ako. Binaling ko na lang sa iba ang tingin ko at yun ata ang isa sa mali kong ginawa ngayong araw na ito.

Nagkatinginan kasi kami ni Clyde.

Nakauniform parin siya pero wala ng bonnet. Ang ayos ng buhok niya ngayon na naka-gel na. Katabi niya si Miguel na mukhang kausap niya bago kami nagkatinginan.

Binaling niya ang ulo niya sa kaliwa at tinaasan niya ako ng kilay. Para siyang nagtatanong kung saan ako galing.

Hindi ko siya pinansin at umupo agad ako sa upuan ko. Akala ko yun ang pinakatamang gawin pero mukhang pangalawa yun sa mga mali kong ginawa.

"Ayos ka lang ba? Parang namumutla ka? Anong ginawa sayo ni Sage?"

Sunod sunod ang tanong sa akin ni Emily at "Ayos lang ako" ang nasagot ko.

Feeling ko kasi hindi naman ako namutla sa mga sinabi ni Sage sa akin, namutla ako dahil nagkatinginan kami ni Clyde. Baka nalaman niya kela Carla yung nangyari kaninang umaga kaya mas magandang di ko na siya pinansin.

Buti na lang dumating agad yung sunod naming titser. Nawalan ako ng dahilan para magisip ng anuman.

Nung recess na ay agad na tumayo si Emily.

"Ano gusto mong kainin? Parang gusto ko magcarbonara. Ikaw ba?"

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Emily. Sabi kasi ni Clyde dun ako kumain sa Mirror House at pwede kong isama si Emily.

Nagulat kaming dalawa ni Emily nung biglang may umakbay sa kanya at walang iba yun kundi si Miguel.

"Tara na Ems."

Agad na namula yung pisngi ni Emily. Akalain mong maakbayan siya ng isa sa mga idol niya?

"Sa-an tay-o pupunta?" nahihirapan si Emily na magtanong kay Miguel.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon