Chapter 67: Winning her

135 6 10
                                    

[Hannah's POV]

Habang nag susurf si Nathan at Sage ay napagpasyahan namin manood na lang ni Em. Tumabi siya sa akin at inabot ang isa sa dalawang baso ng mango shake na binili niya mula sa resto.

Huminga ng malalim si Emily. "Ang ganda dito, Hannah"

Ngumiti lang ako sa kanya. Dumating na ang araw para makipagkita kami ni Sage kay Nathan at Emily. Nandito kami sa beach resort na hindi kela Athena. Sinigurado yun ni Sage kasi ayaw niya daw makitang umuusok ang ilong ko sa selos.

"Walang ganito sa Manila" nag-unat at humiga si Emily. Kung pagmamasdan siya ngayon, ang laki na ng pinagbago niya nung huli naming kita. Naka-two piece siya na swimsuit at hindi na nakasuot ng salamin. Napansin niya na nakatitig ako.

"Hindi lang ikaw ang nagbago no!" natatawang sabi ni Emily. Bumangon ulit siya at humarap sa akin.

"Kamusta ka, Hannah?" isang malaking ngiti ang binigay niya sa akin.

Iniwas ko ang mata ko at tumingin ulit sa dagat. Andun si Sage na nakatayo sa surf board habang si Nathan naman ay lumalangoy papalapit sa surf board nito.

"Hindi man halata pero masaya ako na si Sage ang nakahanap sayo" napalingon ako kay Emily sa sinabi niya. "Hindi mo alam how lost Sage was before he found you."

Napayakap ako sa sarili kong mga tuhod "Hindi siya dapat nandito. Iba na ang buhay ko"

"Pero andito siya. He is doing eveything for you, Hannah"

Napailing ako. Yun ang ayokong gawin niya. Kasi pag humirap ang sitwasyon namin alam kong iiwan ko siya. Sigurado ako na yun ang unang gagawin ko. Hindi ko siya ipaglalaban kasi hindi ako para sa ganun. Palagi akong talo pag umabot na sa ganun. 

"Go Love!!!"napatayo si Emily habang nagchecheer kay Nathan. Nung nahuli na naman ako ni Emily na nakatingin sa kanya ay ngumiti siya "Hindi mo din akalain no? Walang nag-akala. Kahit ako hindi ko akalain na magiging kami. It just happened" Umupo si Emily at uminom sa mango shake niya. "Pero alam mo Hannah, I am glad it happened. I am happy na nung lumingon ako sa gilid ko andun si Nathan"

Napangiti ako sa sinabi ni Emily. Mabait si Nathan at bagay silang dalawa "Akala ko hindi ka na makakaget-over kay Anton"

"Who said na nakaget-over na ako?" natatawa si Emily pero mabilis ding nawala ang ngiti niya na yun "He was my first love, Hannah. Pag naiisip ko siya, nakakaramdam pa din ako ng lungkot. Hindi na ganun katindi na lungkot pero may lungkot pa din. Sa tingin ko naman, we will never get over sa first love natin kasi it will always be there. Anton will be here" tinuro ni Emily ang kaniyang dibdib. "He occupies this small space. However, it was totally negligible to the space that Nathan occupies"

Naisip ko bigla si  Clyde. Parehas ba kay Anton, ganun din si Clyde? May mga oras na akala ko di na siya sasagi sa isip ko pero bigla ko siyang maaalala. Kagaya ngayon. Huminga ako ng malalim. He was my first love but I dont want him to have a space in my heart anymore. He does not deserve it and I do not deserve the pain. Ayoko na balikan yun.

"Masyadong malalim ang pinaguusapan niyo ah" bati sa amin ni Nathan na di ko napansin na papalapit na sa amin. Kasunod niya si Sage na nakatingin sa akin.

Tumabi si Nathan kay Emily at uminom mula sa mango shake nito "Anong pinaguusapan niyo?"

"I was just telling Hannah how I am happy that Sage found her" ngumiti sa akin ulit si Em.

Binigyan ko si Em ng tipid na ngiti.

"Are you happy that I found you?" bulong sa akin ni Sage.

Hindi yun narinig ni Emily at Nathan kasi iba na ang pinagkwekwentuhan nila. Liningon ko si Sage at hindi kaagad nagsalita "I just want to know kasi mukhang sa itsura mo kanina you are not that happy"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon