Chapter 8: Rescue

2.8K 57 9
                                    

Lumapit sa akin si Clyde.

"Titignan mo lang ba ako? Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?"

Hindi ko alam kung paano magsisimula na sabihin sa kanya ang gulo na napasukan ko ngayong araw.

"Bakit out of service ang cellphone mo? Naririndi na ako sa boses nung babae na nagsasabi sa akin na out of service ka"

"Wala akong cellphone"

"Ano? Eh ano yung number na nakalagay sa admission papers mo?"

"Binenta ko na yun bago magpasukan. Sinama namin sa pinangbayad sa ibang utang ng tatay ko"

Akala ko nakikinig sa akin si Clyde pero nakatingin lang siya sa akin ng maigi. Napansin kong nakatingin siya sa mukha ko. Napahawak agad ako sa kanan kong pisngi at pinunasan yun. Nakalimutan kong ayusin ang sarili ko bago ako bumalik ng classroom.

"SINONG GAGO ANG MAY GAWA NIYAN SAYO?!"

Nung tinanong yun ni Sage ay parang umatras ang luha na sana iiiyak ko. Nawala na ang interes ko na andito siya. Siguro kasi kung hindi siya nagpasimuno na pakialaman ako eh hindi maiintriga si Sage kung bakit niya ako nilalapitan at hindi na sana mangyayari ang lahat ng ito.

"Wag mo na akong pansinin. Ayos lang ako"

"Sinabi ko na, dont make any trouble." hinampas ni Clyde yung desk ko at bigla siyang natigilan. 

Napansin niya ang nakasulat at halatang mas lalo siyang nabadtrip.

"Fucker fuck! Ano ba talagang nangyari sayo? Tumawag sa akin si Carla na umalis ka kasama si Sage"

Si Carla pala ang dahilan kung bakit siya nandito. Si Carla ang tumawag sa kanya at hindi si Miguel. Siguro nga malakas din ang hatak ni Sage sa Jedi Conspiracy kaya nakapaglihim si Miguel kay Clyde.

"Bakit hindi mo itanong kay Sage?" Bumalik ako sa ginawa kong pagkukuskos ng vandal sa desk ko.

"Ano? Alam mo bang dumeretso ako mula airport papunta dito. Just to see you. Sinira mo ang mga plano ko ngayong araw"

"Eh di dapat hindi ka na pumunta. Sana tinuloy mo na lang yung mga plano mo."

Halatang nabadtrip si Clyde sa sinabi ko. "And then what? You will just be a pathetic girl crying out for help?"

Biglang napahinto si Clyde pagkatapos niyang sabihin yun. Linapit niya ang mukha niya sa akin kaya agad akong napaatras.

"Teka, hindi ka umiyak?"

Napatitig ako kay Clyde. Naisip ko ulit yung pakiramdam na gusto ko nang umiyak nung nakita ko siyang andito. 

"Bakit ako iiyak?"

Hindi makapaniwala ang itsura ni Clyde sa sinagot ko sa kanya. Bigla siyang natawa.

"Nagkamali ako. Matapang ka nga pala. Very different from other girls." napahawak siya sa batok niya.

Hindi ko na siya pinansin at mas lalo na lang pinagpatuloy ang pagtanggal ko ng vandal.

"Leave that" 

Bigla akong napatingin kay Clyde nung nagsalita siya. Hindi na niya ako hinintay na makasagot at hinila na niya ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi kunin yung bag ko.

Naglakad kami na hawak hawak ni Clyde ang kamay ko na hawak parin yung ruler na ginamit ko kanina.

Hindi ko alam kung nabadtrip ba siya dahil hindi ako umiyak o nabadtrip siya kasi akala niya iiyak ako sa mga nangyari.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon