Chapter 56: Rebirth

238 11 8
                                    

"Hannah, ang aga mo ata ngayon? Dumeretso ka ba dito galing sa Club? Paano ka mamaya sa klase mo niyan?" pagaalalang bati sa akin ni Manager Arlene.

Nagbigay lang ako ng maikling ngiti sa kanya. Hindi ko na din kasi alam paano pa magrason sa kanya. Tama naman kasi siya, dumaan muna ako ako sa resto bago pumunta sa klase ko.

Dalawa ang trabaho ko. Dito sa restaurant ni Manager Arlene at sa Cassiopeia na club sa bayan. Alas Dyes ang klase na kinuha ko ngayong semester para makapagtrabaho ng todo sa hapon at gabi. Meron din akong mga sideline katulad ng pagtatype ng mga documents, pagaalaga ng bata at pagbabantay ng bahay na ginagawa ko pagdayoff ko. Nung una akala ko di ko magagawa.

Eto na ang naging takbo ng buhay ko, dalawang taon nung umalis kami ni Mama sa Maynila. Dito kami sa may Bacolod tumira. Para malapit na rin sa kamaganak nila Mama. Dalawang taon akong nagkaroon ng tahimik na buhay. Mahirap man at nakakapagod. Wala nang hihirap pa sa nangyari sa amin sa Maynila.

Dalawang taon na nung matapos ang relasyon namin ni Clyde. Kung maari ayoko siyang maisip dahil kinakain ako ng galit ko. Galit ko sa mga ginawa niya sa akin. Galit na mula sa katangahan. Galit na mula sa pagibig ko sa walang kwentang katulad niya. Pero hindi ko magawang kalimutan siya, siya ang dahilan ng paghihirap ko. Siya ang dahilan kung bakit kinamumuhian ko ang sarili ko at hindi ko siya mapapatawad.

"Kamusta ang mama mo? Baka magalala yun na hindi ka muna dumaan ng bahay niyo?" Dagdag na tanong ni Manager Arlene na siyang kaibigang lubos ni Mama dito sa Bacolod.

"Nakapagiwan naman po ako sa kanya ng text, Manager. Nakahanda na din po ang gamot at mga pagkain niya bago ako umalis kagabi"

"Nakailang session na ang mama mo sa therapy?"

"2 pa lang po ngayong taon. Medyo nahuli po kami kasi dapat panglima na"

"Kaya ba nagoovertime ka na din? Wag kang magalala. May awa ang Diyos, iha"

Napayuko ako sa sinabi ni Mam Arlene. Simula kasi ng maaksidente at magkasakit ang nanay ko at nagkandaletse letse ang buhay ko, hindi na ako muling tumawag pa sa Diyos. Binigo niya ako. Siguro din kasi ay binigo ko siya.

Dalawang taon na nga ang nakakalipas pero hindi ko pa din malilimutan na kundi dahil sa akin hindi sana naaksidente ang nanay ko.

Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

"O siya sige, Hannah. Kung inaantok ka may kape dun sa kitchen. Dun ka muna sa supply room ngayon at magbilang ng ingredients natin."

Tinaas ko ang ulo ko "Salamat po Mam Arlene"

Dumeretso na ako sa supply room. Mamaya na lang siguro ako magkakape pag di ko na kaya at pagmalapit na ang rush hour.

Inisa isa ko na ang mga lalagyanan dun. Uunahin ko yung mga sangkap sa paggawa ng cake kasi bukod sa mga meals ay ang dessert na cake ang mabenta sa amin.

Tumayo ako sa may harap ng cabinet at kinuha ang listahan sa tabi at nagsimulang magbilang ng plastic ng harina, sinunod ko dun ang bilang ng mga itlog.

Naisip ko kung gaano ako kaswerte na si Mam Arlene ang manager ko. Siya ang kumupkop sa akin nung iniwan ko ang lahat. Para siyang naging pangalawang ina ko.

Pagkalipat ko para bilangin ang mga harina at itlog, ay nakita ko ang mga box ng keso. Sa ibabaw nun ay may recipe ng "Double Layered Cheesecake". Magbebenta na siguro kami nun dito.

(Happy Birthday, Happy Birthday! Happy Birthday to you!)

Natigilan ako sa malamig na boses na naalala ko. Dumabog ang dibdib ko. Biglang nagflash sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Clyde na kumakanta sa akin ng Happy Birthday. Kinanta niya sa akin yun habang hawak hawak ang isang layer ng cheesecake.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon