Chapter 38: Brothers

1.4K 55 9
                                    

Nataranta ako sa pagkakawalang malay ni Sage. Pagkatapos ko siyang isandal ng maayos ay hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan yun. Napatakip ako ng bibig nung makita ko na ang ayos ni Sage. Bugbog sarado ang mukha niya na sa sobrang lala ay pumutok na ang kaliwa niyang mata. Halos wala ng paglagyan ng sugat at pasa sa mukha niya. Yung tshirt niya na puti ay puro mantsa na pati yun pantalon din na suot niya ay punit na.

Hindi ako mapakali nung lumapit ako kay Sage. Gusto kong hawakan yung mukha niya pero nagaalangan ako. Sa sobrang pagaalangan ay nanginginig na ang kamay ko. Ang natatanging bagay lang na nagpapakalma sa akin ay ang makitang nahinga pa si Sage.

Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko at binasa yun ng natirang tubig sa jug ko.

Dahan dahan kong ipinunas yun sa pumutok niyang labi. 

"Ah" napangiwing sabi ni Sage habang nakapikit pa rin.

Kahit na alam kong nasasaktan siya ay pinagpatuloy ko parin yung pagpunas sa mukha niya.

"Unting tiis lang."

Hindi na nagsalita pa si Sage at ininda na lang ang hapdi ng mga sugat niya. Nung natapos ako ay nagpresenta ulit ako na dalhin siya sa ospital pero imbes na sumagot ay huminga lang siya ng malalim. 

"Hindi kita pwedeng iwan dito Sage. Kung kaya mong tumayo aalalayan kita basta mahatid lang kita sa ospital"

Pinilit ni Sage na imulat ang mga mata niya kahit na nahihirapan siya.

"H-indi a-ko sa-sama sayo-"

"Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo? Nagaalala na talaga ako sa kalagayan mo ngayon."

"Ayos. Umaa-yon sa a-kin ang la-hat"

"Akala mo ba ang cool mo tignan? Intindihin mo naman ang sarili mo. Naiinis na talaga ako sayo"

Si Sage lang ang may kayang gumawa sa akin nito. Bigyan ako ng sobra sobrang pasakit na sa tingin ko ay wala na akong magagawa. Ganito din yung naramdaman ko nung una niya akong pinagtripan.

"Kung ayaw mong tulungan ang sarili mo tatawagin ko sila Clyde para tulungan ka" padabog na akong tumayo nung biglang nagsalita si Sage.

"Hindi mo ba ako maintindihan? I said you can only save me. I am very much immune to physical pain, Hannah"

"Hindi ako naniniwala sayo" maikli kong sabi sa kanya sabay kuha ng cellphone ko para tawagan si Clyde.

Hindi pa ako nakakaconnect nung bigla na lang dinagi ni Sage yung kamay ko at nahulog yung cellphone ko. Hinila niya ako para makaupo ulit sa tabi niya. Pagkatapos nun ay isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Just let me breathe."

Hindi na ako nakapagsalita at tinititigan ko na lang kung ano ang ginagawang malalim na paghinga ni Sage. He is struggling hardly. 

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon