Chapter 59: Absinthe

127 6 5
                                    

(SAGE's POV)

Tanaw ko na ngayon si Hannah. Nakatalikod siya na nakaupo kaharap ang lalaking sinalubong niya kanina. 

"Sir, okay na po ba dito?" tinuro ako ni Angelu sa pwesto na medyo malayo pa kay Hannah.

"Do you mind if I sit near the balcony?" 

Napatingin si Angelu kung saan ako nakatingin "Dun po sir?Sige po"

Lumakad si Angelu papalapit sa table na katabi kung saan nakaupo si Hannah. May partitions ang mga table dito na may sofa ang upuan. Maingay man sa baba, magkakarinigan pa din ang mga tao pag dito sila nagusap. Umupo ako kung saan partition lang ang naghihiwalay sa amin ni Hannah. Nakatalikod ako sa kanya. Napakaliit na lang ng distansya namin ngayon. 2 feet. 

I am fucking 2 feet away from the one I am desperate to find for 2 years now.

"Okay na kayo dito sir?"

"Yeah" I feel safe knowing Hannah is just 2 feet away from me. Pero hindi niya muna ako dapat makita. Hindi pa muna ngayon. "I still need my whiskey"

 Inayos ko ang itim ko na cap. Ayokong kumuha ng attensyon kahit kanino. Naka-itim lang ako na polo at tight pants. I ony got my car keys, wallet and phone. Hindi ko na hinayaan na ihatid pa ako ni Noel. Kaya ko naman na puntahan ng magisa si Hannah. Nagpareserve na lang ako ng sasakyan sa hotel para magamit ko ngayon.

Ngumiti sa akin si Angelu. "Okay. Tatawagin ko na din po ba si Peachy?" 

Nakalimutan ko na para makaupo dito ay kailangan ko nga palang magtable. Tumango ako kay Angelu. "Give her also a ladies drink" Pinaglaruan ko ang car keys ko. Hindi ako mapalagay. Ang lapit na niya sa akin.

"Sige po. Balikan ko kayo sir" ngumiti siya ulit sa akin bago umalis.

Sinandal ko ang ulo ko sa pader. What to do now? I can easily approach Hannah. With this fucking short distance, I can easily go to her. Say my piece of being sorry. Say sorry for the life she had to bear. 

Binaba ko ang carkeys at tinignan ko ang cellphone ko. Hanggang ngayon, wala pa din akong nakukuhang message kay Clyde. He really put everything behind. Kasama dun si Hannah. What an asshole! 

Tinext ko si Miguel na I found Hannah. Sa aming magbabarkada, siya lang nakakaintindi sa kahibangan ko na makita ulit si Hannah. Anton, wanted us to move on. Be an adult and act as an adult. Sabi niya we need to own our shit na iniwasan namin nung high school. 

"Woah, nakailang tatlong tall glass ka na Hannah. You dont want to be drunk yet. Hindi pa tayo nagsasayaw" Nawala ako sa iniisip ko sa boses na narinig ko. Yun na ata yung Pius.

"A-yokong makipag-sayaw, Sir P-ius" Natigilan ako sa boses niya. This is real. Narinig ko na ang boses ni Hannah.

"Sir?" tumawa yung Pius "We are schoolmates at alam mo naman na matagal na akong may crush sayo"

Galawang breezy ang p*ta.

"P-ero wa-la akong crush sa-yo" natawa ako sa sinabi ni Hannah. She is still that stubborn girl.

Narinig kong natawa din si Pius sa sinabi ni Hannah "I dont get you, Hannah. I am giving you attention. Flowers, Chocolates, Jewelry kulang na nga lang ipasundo hatid kita.  I am trying to win your attention for 1 and a half year now. Pero bakit ayaw mo? Nagmumukha na akong tanga kakahabol sayo"

"Wa-la akong gu-sto sss-ayo. K-aya di ko.. gusto ang m-ga bini-bigay mo. H-uwag mo na s-ayangin ang o-ras mo.. sa a-kin" halata na sa boses niya na tinamaan na siya ng alak. Bakit ka nagpapakalasing? Di pa mapagkakatiwalan yang kasama mo.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon