Chapter 61: I was made for loving you

264 13 5
                                    

(Hannah's POV)

Lumipas ang mga araw at hindi na nanggulo si Pius o yung costumer ni Peachy. Si Pius balita ko binawalan muna siya magpunta sa club dahil nakakasama ito sa reputasyon ng tatay niya na Mayor. Alam ko din na 2 araw siyang nasa ospital para magpagaling sa mga suntok at sugat na nakuha niya. 

Hindi ko na din namalayan na hanggang ngayon ay suot ko pa din ang kwintas na bigay sa akin nung tumulong sa akin. Nung una naramdaman kong manggagamit lang siya. Na babalik siya para singilin ako sa kagandahang loob na binigay niya. Pero lumipas na ang mga araw at walang sinoman ang lumapit sa akin para hingiin ang magandang loob na binigay niya.

Napahawak ako sa mga pendant na nakalagay: silver na dahon at bituin. Hindi ko alam anong ibig sabihin. Pero pakiramdam ko nagkalakas ako harapin lahat ng problema ko dahil dito. Akala ko ako na lang magisa pero may isang taong sumusuporta sa akin. 

"Hannah, kumain ka muna sa likod" Napatingin ako sa pagdating ni Angelu. Bukas kasi magdadayoff ako kaya kanina pa ako nagtratrabaho. Maaga din akong pumasok sa Adriatico para makatulong kela Manager Arlene dahil may event bukas.

Ngumiti ako kay Angelu "Salamat, Ange. Ikaw ba kumain na?"

"Oo, para mapalitan kita dito. Bukas wag ka na magalala. Ako na bahala magbantay kay Tita. Ihanda mo na lang yung mga gamot. Alam ko namang importante sayo ang araw bukas" inakbayan ako ni Angelu.

"Salamat talaga Ange. Hayaan mo babawi ako sayo. Sabihan mo lang ako kelan mo gusto magleave"

"Ano ka ba, to naman. Parang hindi kaibigan. O siya kumain ka na sa loob" 

"Teka, Ange. Bumalik na ba yung costumer ni Peachy?" 

Ngumiti ng nakakaloko sa akin si Angelu. "Uyyy, mukhang in love na ang kaibigan ko ah"

Kumunot ang noo ko "Anong sinasabi mo diyan"

Linapit ni Angelu ang mukha niya sa akin "Patingin nga." Hinawakan niya ang mukha ko. Iniwas ko ang mukha ko "Patingin nga sabi" 

"Ano bang ginagawa mo?"

Ngumiti sa akin si Angelu habang hawak niya ang mukha ko gamit ang magkabilang kamay niya "Ngayon ko lang kasi nakita na nagkapaki ka sa ibang tao"

Tinanggal ko ang kamay ni Angelu. "Naisip ko lang kung magsasampa ba siya ng kaso or sinampahan siya ng kaso ni Pius" tinanggal ko ang apron at tumabi kay Angelu.

"Weh di nga? Hindi ako naniniwala sayo Hannah. Alam mo mukhang mabait naman yung costumer ni Peachy. Gwapo pa. Kung alam mo lang kung gaano siya nataranta nung nahimatay ka. Kikiligin ka din. Kaya pala ganun din ang pagaalaga ni Sir Pogi sayo"

"Teka akala ko ba saglit mo lang siya nakita nung binigay niya sayo yung susi sa kwarto ko sa hotel?"

"Oo nga! Ano bang sabi ko?" biglang tumayo ng derecho si Angelu "Kita lang sa mukha niya na nagalala siya. O siya pumasok ka na sa loob" Hinawakan niya ako sa likod at tinulak papunta sa sa pinto ng kitchen "Magpapakita din yun si Sir pogi. Antayin mo lang"

Pumasok ako sa may kitchen. Pogi? Napangiti ako. Napahawak ako sa kwintas ko. Pogi ka pala? Kaya pala Sir Pogi ang tawag sayo ni Angelu. 

Dumeretso ako sa kitchen counter para kumain. Kailangan ko pa ihanda yung mga bagay na gagamitin bukas. Kung andito lang siya, kasama ko sana siya sa birthday niya.

August 21.

Kung kaya lang makalimot, gagawin ko. Kakalimutan ko lahat ng nangyari, lahat ng galit at lahat ng sakit. Kung kaya ko ginawa ko na. Kaso paano? Paano ko siya makakalimutan kung hanggang ngayon kinakain ako ng konsensya ko?

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon