Chapter 52: Cheating

772 46 17
                                    

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Sa text niya dapat ko bang isipin na may interes pa din siya sa akin? Dapat ko bang isipin na baka bumabalik na ang dating Clyde? Naalala ko pa kung gaano niya pagselosan si Sage nun. May meaning nga ba?

Kahit magisip pa ako ng magisip ng dahilan sa tinext niya ay alam ko naman ang gagawin ko. Pumunta ako sa executive room. Mabibigat man ang mga yapak ko ay alam ko na may lakas akong iangat ang paa ko at itapak yun paabante.

Nung nasa harap na ako ng pinto ay dahan dahan kong pinihit ang door knob. Sa kabilang banda ng pinto na ito ay andun si Clyde at hinihintay ako. Tuluyang nagbukas na yung pinto at nakita ko si Clyde na nakatayo sa tapat nung bintana kung saan makikita ang kabuan ng school. Pumasok sa isip ko na kayang kaya niyang sundan ang yapak ng papa niya. Sa nakikita ko sa kanya ngayon, ay nagflashback sa utak ko yung mga panahong para siyang bata kung tumawa, ang baluktot niyang pakikipagsagutan at ang pagtatampo niya na wala sa lugar. Nung bumalik si Clyde wala na akong bakas na makita sa dating Clyde na nakilala ko. Naging seryoso siya na ang bawat salitang binibitawan niya ay isang patalim na nakakasakit sa akin.

Pero naiisip ko man yun, meron sa utak ko na sumisigaw na nasaktan ko siya. Sa mga oras na hinihintay niya ako na malaman ang talagang narardaman ko sa kanya ay nasaktan ko siya. Na kahit anong pilit ko sa kanya na mahal ko na siya ay hindi niya na yun mapaniwalaan. Mali, baka sa anumang pagsasabi ko ng nararamdaman ko sa kanya ay nadiskubre niya na mas mahal niya si Clare.

I lose a chance to be with him and that means losing my happiness.

Lumingon sa akin si Clyde. Ngumiti siya sa akin. Isang ngiti na kitang kita ang lungkot sa kanyang mga mata.

"I want to think you already have a choice to leave me and stop all of this. Choose now, because this is my choice. I will be with Clare. Clare is my choice. She will always be my choice. Kaya ngayon gusto kong sabihin sayo na if you want to be with Sage, I will let you. I dont hand down easily what I own but if you want, you may. Be with him if that will make you happy. I am done torturing you to give me up. Now, I am begging you to let me go. Ayoko na Hannah. Ayoko na talaga."

Napakagat ako sa labi ko. Ngayon ko lang nakita si Clyde na ganito kamiserable. Nagmamakaawa siya na bitawan ko na siya. Palayain. Ganun ba talaga ako kaselfish? Naniniwala akong meron pang maibabalik sa amin pero wala na pala. Wala ng ibabalik. "Clyde, sa tingin mo bakit ako pupunta dito kung hindi ikaw ang pinipili ko? You are always my choice."

Lalapit sana ako sa kanya kaso umatras siya. "Dont wake up my demons, Hannah. I treated you worse from what I expected to do to you. You can let this go, let me go. Stop the nonsense love you are feeling for me."

"Pero bakit ganun ang text mo sa akin kanina." Napatingin ako sa hawak kong cellphone pero binalik ko din ang tingin ko sa kanya "Hindi mo ba ginusto ang nangyari sa atin? Tayo? ano ba tayo? Hindi naman natin to pinilit diba? Ginusto natin to. Its our choice."

"Would you really forget how pure you are and have a sin with me? Dont make me look anymore bad because I already reached my limit of being the best ass"

"Yun ba talaga ang gusto mong gawin ko? Ang pakawalan ka? Ang kalimutan kung ano man ang meron sa atin? " Bumilis ang paghinga ko. Kahit ako ay sobrang frustrated na sa nangyayari sa amin.

"Kung gagawin mo din pala ito bakit mo pa ako pinaasa na mahal mo ko? Bakit mo pinamukha sa akin na gusto mo akong makasama? Bakit mo pinilit kumbinsihin ang sarili ko na mahal din kita? Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin yun? Na tanggapin na baka pwede akong magkaroon ng isang bagay na hindi mawawala sa akin? Nasanay na akong mawalan Clyde. Nung nawala sa akin ang lahat, natanggap ko. Bakit mo ko pinaasa?"

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon