Chapter 37: First Turning Point

1.6K 60 16
                                    

Nanikip ang dibdib ko. Masama ang timpla ni Clyde. Hindi siya nangiti.

"Ayoko lang magselos ka kay Sage. Walang basehan na gawin mo yun. Tulad ngayon. Ayokong nagkakaganyan ka dahil sa mababaw na pangyayaring yun"

Mahinahon pero kabado kong pagpapaliwanag kay Clyde.

Biglang umaayos ang expresyon ng mukha niya at napangiti. "Sabi na nga ba, you like me bigtime" Umakbay siya bigla sa akin at humarap kay Sage. "You heard it from her. She will choose me even what heroic act you do. Just backoff Sage" Nakaakbay parin si Clyde sa akin nung tumaas yung kamay niya para hawakan ang noo ko. "I own her"

Napa-smirk si Sage. "If you own her, alam mo dapat kung paano siya alagaan. Dont let your guards down. I might snatch her easily from you"

Binuksan ni Sage yung pintuan at pabagsak na sinarado yun.

"Aish!" inis na kalas ni Clyde sa pagkakaakbay sa akin. "Ako ang nauna sayo bakit ba ang lakas pumapel nun. Madaming ibang babae diyan. Marami na din siyang naging girlfriend. Ako. Wala pa. Ngayon palang pero nakikialam pa siya"

Parang bata si Clyde na yamot na yamot na umupo sa may kama niya. Dahil sa itsura niya eh natawa talaga ako. Napatingin siya sa akin at tumaas ang kanang kilay niya.

"Tinatawanan mo ba ako?"

"Hindi ah! Uuwi na ako kaya pagbutihan mo ang paprapractice mo"

"Aalis ka na agad?"

"Bakit hindi? Hahanapin na ako ni Mama"

Tumayo si Clyde. "Sige na mauna ka na nga. Wag mong pinagaalala si Mama"

Nagulat ako sa sinabi niya "Mama? Tinawag mo na mama ang mama ko?"

"Bakit hindi? Dun din naman pupunta yun" yabang niya pa.

"Ang kapal mo. Makaalis na nga lang" Papaalis na ako nung biglang yumakap si Clyde galing sa likod ko.

"If I can just spend this day with you" Inamoy niya ang kanang gilid ng ulo ko. "Fuck Hannah, I miss you already" Humigpit ang yakap niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang mabilis niyang paghinga na sa tingin ko ay nagagaya ko na din.

Napakagat ako ng labi. Gusto ko kasing lumingon at yakapin siya. Minsan talaga hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Lumayo sa akin si Clyde at nauna na sa may pinto.

"Umuwi ka na hanggang ayoko pang magkaatraso kay Anton"

Ngumiti ako sa kanya "Galingan mo ha pero wag ka masyadong magpapapawis"

Sumimangot si Clyde "Gusto kitang maging girlfriend at hindi maging yaya ko"

Lumipas ang isang linggo. Masyadong masaya ang lahat ng nangyayari sa akin. Pagkatapos ng klase binibisita ko si Clyde. Minsan hinahatidan ko siya ng pagkain. Minsan iidlip siya sa may balikat ko para makapagpahinga. Matagal na ang 30 mins sa aming dalawa. Masyado na silang seryoso sa pagprapractice. Madalas na ding nakasigaw si Anton dahil sa paghahabol sa routine. Dun sa isang linggo na yun ay hindi ko man lang nakita si Sage. Naabutan ko pa minsan na tinatawagan ni Brian si Sage pero hindi siya sumasagot.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon