Chapter 54: Should all be well?

733 36 16
                                    

Nung hinatid ako ni Clyde ay siya namang luwas kinabukasan ni Mama kela Tita Sandy. Ako lang ang maiiwan ng dalawang linggo sa bahay dahil aayusin nila ang negosyo na pwede pa naming pagkakitaan. Ang huli kong balita ay ayaw na ituloy ni Mama yung milk tea shop dahil delikado daw sa gulong nangyari dati.

Nanonood ako ng tv habang nageempake nung tumunog yung cellphone ko. Tumatawag si Clyde kaya agad ko yung sinagot.

"Wala ka parin bang ticket?" Bukas na ang alis namin papuntang Boracay pero hindi ko parin alam kung matutuloy ba ako. Hanggang ngayon hindi pa ako kinokontak ni Sage kung sasama nga kami.

"Wala pa."

"Should I just book you a ticket? Ako na magbabayad"

"Wag na. Kung di sasama si Sage mas maganda na wala din ako dun. Baka magtaka sila bakit ako sasama"

"Sasama ka kasi magkikita tayo" Huminga ng malalim si Clyde

Gusto kong makita siya pero alam ko naman na hindi kami magkakasama kasi andun si Clare.

"Alam mo namang hindi pwede diba? Papasok ka naman next week kaya magkikita tayo"

Huminga ng malalim si Clyde "Alam kong nahihirapan ka na. Hannah, Kasalanan talaga ang mahalin ako"

"Ano bang sinasabi mo? Hindi no. Wala namang mali sa pagmamahal diba?"

Pinatay ko ang tawag. Ibinaba ko yung cellphone ko sa aking dibdib. Naiiyak na naman ako. Hindi naman ako manhid. Pinipili ko lang magpakamanhid. Kahit maisip lang si Clyde alam kong mali pero hindi ko kayang labanan. Ayokong labanan. Kung ano man ang consequences nitong mga ginagawa ko, haharapin ko ng buong buo.

Patapos na ako magempake nung may kumatok sa pinto. Nagtataka ako kung bubuksan ko ba yun kasi alam kong nilock ko yung gate namin. Lumapit ako sa pinto at pinakinggan yung kabilang dulo.

"Sino yan?"

"Ako to. Sage" Nung nabosesan ko siya ay agad kong binuksan yung pinto.

Naka-pula siyang tshirt na may tatak na Vans at maong na pants. Itinaas niya sa akin ang isang sobre.

"Ticket mo" sabi niya habang papasok ng pinto at inaabot sa akin yung sobre. "Via Caticlan"

"Akala ko lahat sa Kalibo ang daan?"

"Ganun din naman yun. Magkikita din tayo and I dont want you to suffer na pakisamahan si Clyde at si Clare. Mauuna ka sa akin kaya magpahinga ka na lang doon"

Napakunot ang noo ko. "Teka, hindi ka sasama sa akin?"

"Susunod ako, may kailangan lang akong tapusin"

Napansin ko yung natuyong sugat sa labi ni Sage.

"Anong nangyari sayo? Nakipagaway ka na naman ba?"

Inabot ko yung mukha niya at akmang hahawakan yung labi ni Sage nung hinawakan niya ang kamay ko.

"Ayos lang ako"

"Ayos? Hindi ka mukhang ayos Sage" inis kong sagot sa kanya.

"Nagaalala ka ba sa akin Hannah? Dapat ata laging ganito ang ayos ko para makuha ang atensyon mo"

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako nakikipagbiruan sayo"

Ibinaba ni Sage ng dahan dahan ang kamay ko na hawak niya.

"Huwag mong iparamdam sa akin na may halaga ako sayo. You know that is what I love you to do for me"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Kelan ka pupunta ng Boracay?"

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon