Chapter 39: Soft spot

1.4K 48 6
                                    

Nahuli na ako at di na nakapagtago nung biglang lumingon si Sage. Nagtama yung mga paningin namin. Nagulat din siya pero agad siyang nakabawi. Tinalikuran niya ako at lumingon ulit kay Nathan.

"We're good arent we? Kaya umuwi ka na good boy. Baka hinahanap ka na ng tatay mo"

"Stop mocking our father, Sage"

"Correction. YOUR father"

"You are hopeless"

"Always been" smirk ni Sage

Nagwalk out na si Nathan papalayo kay Sage kaya nagtago ako sa may kanto kasi baka makita niya ako. 

Papaalis na sana din ako nung biglang sumulpot si Sage sa may harapan ko.

"Why are you sneaking behind my back?"

"Sorry, aalis na ako" nataranta ako at iiwas na sana kay Ssage nung hinarang niya ang kamay niya sa gilid ko.

"Not so fast, Hannah"

"Wag kang magalala. Hindi ko sasabihin sa iba yung narinig ko. Sa totoo niyan hindi ko alam na andito din pala si Nathan. Na magkasama kayo. Akala ko ikaw lang kaya sinundan kita-"

Napangiti bigla si Sage "Sinundan mo ako? Do you have some hots for me?"

"Ano?! Wala. Kasi wala ka kanina. Akala ko kasi-"

"Pinuntahan mo ako?"

"Oo kasi diba yun ang usapan natin?"

"You are making me smile today" tumayo ng diretso si Sage at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa niya. "Sorry for making you wait. May tinapos lang ako"

"Nakita ko na kausap mo si Rowan kanina"

"Yun ang tinapos ko. I am quitting that stupid frat initiation"

Parang lumiwanag ang lugar ko sa narinig ko kay Sage "Talaga? Mabuti naman!"

"Masaya ka para sa akin?"

"Oo naman. Bakit hindi? Hindi ka na mabubugbog. Hindi ka na masasaktan"

"Wala pang taong naging masaya para sa akin bukod sayo"

Ang seryoso ng tingin sa akin ni Sage kaya natigilan ako.

"May mga kaibigan ka Sage. Hindi mo lang siguro sila napapansin"

"Ayoko ng kaibigan I want someone who I can treasure"

"Sage"

"I know. I know. You think Clyde treasures you. Lets test that. Aantayin kita bukas kaya pumunta ka. Keep what you promise me" sinuklay niya ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko "I cant wait on how will you touch every inch of my skin just to cure me"

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon