Chapter 51: By that time

759 47 26
                                    

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Clyde. "Are you really that into me?"

Lumayo sa akin si Clyde para damputin ang undershirt niyang itim at sinuot yun. Lumapit siya sa akin pagkatapos niyang damputin ang puti niyang polo shirt at sinabit yun sa balikat niya. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakikita kong umiikot ang mundo mo sa akin o maiinis ako kasi matalino ka nga pero ang hirap mong makaintindi na ayoko na. You are late, Hannah. Very late."

Hinaplos ni Clyde ang buhok ko at sinuklay yun sa likod ng tenga ko. "Let me see how a good girl will go bad for the name of what she think is love"

Nung umalis si Clyde, binalot ako ng lamig. Parang may nawala sa akin. Pride, katinuan o bait. Ewan ko. Sinasabi ng utak ko na itigil ko na to. Bakit ko ba hinahabol ang taong pinapamukha na sa akin na hindi niya na ako gusto? Dahil ba kay Clyde? Dahil siya si Clyde? Hindi eh. Hindi sa ganun. Wala akong pakialam kahit hindi na siya si Clyde Montero. Ang alam ko lang gusto ko bumalik yung lalaking minahal ko at pinakitang mahal ako. Kaya di ko siya mabitawan kasi dahil sa nararamdaman ko. Na habang iniisip ko na wala na kami ay napipiga lang ang puso ko sa sakit.

Wala na ba talaga tayo, Clyde?

Nagpatuloy ang mga araw na di kami naguusap ni Clyde. Pag nagkakasalubong kami at mapapatingin sa isat isa ay huli ako laging bumabawi ng tingin. Lagi kong hinihintay ang reaksyon niya. Na sana may makikita akong iba sa mga titig niya kaso tumingin man siya sa akin ay parang wala naman siyang tinatanaw. Blanko ang expresyon ng mata at mukha niya. Tagos sa akin ang mga titig niyang walang pakialam.

Kung di ko man siya makausap ng personal ay sinisikap ko na iparamdam ko sa kanya na mahalaga siya sa akin. Tuwing pagkatapos ng klase ay nagiiwan ako ng notes sa table niya. Madalas ko din siyang binibigyan ng mga sulat para lumakas ang loob niya para magpractice pa o kahit sa pagaaral man. Oo, para akong stalker. Iniisip ko na masyado ko nang pinapakita ang pagiging mahina ko na wala siya. Pero pag hindi ko to ginawa mas lalo lang akong nasasaktan.

Hindi ko na siya maabot. Lagi siyang napapalibutan ng tao. Kung hindi JC, kasama niya ang iba niyang kaibigang dancers sa ibang school. Nabalitaan ko din na halos gabi gabi siya kung magparty. Sabi ng ilan, nawala na ang imahe niyang pagkasuplado. Kinakausap niya ang lahat ng taong lumalapit sa kanya. Naisip ko tuloy kung lumapit ba ako sa kanya ay kakausapin niya din ba ako?

Nung isang araw lang, tinanong ako ni Mama kung kamusta na daw si Clyde at hindi niya na nakikita. Ngumiti ako habang sinasabing busy sa pagprapractice si Clyde. Tinago ko ang nararamdam kong lungkot. Ayokong magalala sa akin si Mama. Iimbitahan niya sana su Clyde na kumain sa amin bilang celebrasyon ng pagtotop 2 ko. Sinabi kong di na kailangan pero nagpumilit siya na gusto ni Papa na magsalo salo kami. Wala na akong magawa kundi pumayag sa gusto ni Mama. Baka ano pa ang mapansin niya.

Buong buo kong sinikap na maging matapang para kausapin ulit si Clyde. Alam kong excuse ko ang pagyaya sa kanya sa isang salo salo pero sa puso ko gusto ko na gawin ito. Pumunta ako sa mirror house. Kung dati madali lang ako makapasok dito eh ngayon halos di ako makalapit sa pinto dahil sa mga estudyanteng tumatambay sa paligid nito na siguradong magtataas ng kilay at hindi mapipigilan ang pagiingay pag nakita ako.

Aatras na sana ako. Tatalikod at aalis palayo nung napahinto ako sa taong nasa harap ko. Nakatayo si Sage na nagkatitig sa akin.

"Naliligaw ka ata Mulan?" Hindi ko makita ang kabuan ng mukha niya dahil sa malaki ang hoodie niyang suot.

"Ah mali lang ako ng napuntahan" naduduwag ako sabihin kay Sage na gusto kong kausapin si Clyde. Nahihiya akong aminin na andito ako kasi nagbabakasakali ako na makakausap ko si Clyde.

"Seriously? You cant lie to me" hinawakan ako ni Sage sa may pala-pulsuhan at hinila papasok ng Mirror House. Ramdam ko ang pagbigat ng tingin sa akin ng mga taong nasa paligid. Hindi na ako tumingin pabalik at sumunod sa paghila sa akin ni Sage.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon