Chapter 49: Change of Heart

1.2K 51 35
                                    

Dahan dahan na ngumiti sa akin si Clyde. Hindi ko akalain na makikita ko siya ngayon. Alam kong magtatatlong linggo ko lang siya hindi nakita pero may nagbago sa kanya. Bukod sa nagbago ang kulay ng buhok niya mula sa blonde ay itim na ito ngayon, parang nabawasan siya ng timbang.

"Tatayo ka lang ba diyan?" sita niya sa akin.

Tumakbo ako papunta sa kanya at agad ko siyang niyakap. Binaon ko yung mukha ko sa dibdib niya. Nung naamoy ko yung pabango niya mas lalong humigpit yung pagyakap ko sa kanya. Namiss ko to. Namiss ko siya. Sobra sobra.

Hinawakan ni Clyde yung dalawa kong braso at inilayo niya ako sa kanya.

"Namiss mo ba ako?"

Napatingin ako sa kanya. Seryosong seryoso yung boses niya. Napansin ko din na hindi niya ako niyakap pabalik nung yakap ko siya. Galit ba siya?

Nung natulala ako sa itsura niya ay bigla siyang ngumiti at umalis sa harap ko. Pumunta siya sa likod ko at dinampot yung jacket na nakapatong sa akin kanina. Nahulog siguro yung jacket ni Sage nung pagtakbo ko para yakapin si Clyde.

"Nahulog mo." lumapit siya sa akin at inabot yun sa akin.

Bago ko pa maabot yung jacket ay sumingit si Sage sa gilid ko para kunin yung jacket niya mula kay Clyde.

"I guess you are back for good?"

Tumingin si Clyde kay Sage pagkatapos ay ibinaling niya sa akin yung tingin niya saglit at pabalik kay Sage.

"Pinormahan mo ba si Hannah nung wala ako?"

"Bakit? Natakot ka ba?"

Napangiti si Clyde. "Kanino bang kawalan niya yun."

Nagulat ako sa sinabi ni Clyde. Parang kung anong merong bumara sa dibdib ko. Natigilan ako kaya di ko napansin na sinugod na pala ni Sage si Clyde at hinila ang damit nito gamit ang dalawa niyang kamay.

"GAGO KA TALAGA CLYDE! Alam mo ba kung ano ang nangyayari kay Hannah nung iniwan mo siya?"

Umatras si Clyde sa ginawang pag hila ni Sage sa kanya.

"Sa tingin mo gusto ko pang alamin kung anong mga ginawa niyo na magkasama nung wala ako?"

Nilagay ni Clyde ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang bulsa. Lumakad siya papunta sa akin at nagsalita.

"Ano?Magpapaiwan ka lang ba dito?"

Umalis siya papasok ulit nung hall. Hindi ko alam ang gagawin sa inaasta ngayon ni Clyde.

Napatingin ako kay Sage na nakatingin na sa akin ngayon.

"He does not deserve you."

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at sumunod kay Clyde.

Sinabi ko sa sarili ko na bumalik lang si Clyde ay ipaparamdam ko sa kanya na mahal ko siya. Alam kong bago lang ako sa ganitong bagay at natatakot talaga ako masaktan pero narealize ko na mas masakit na mawala sa akin si Clyde. Sabi niya mahal niya ako at yun ang papaniwalaan ko.

Pagkabalik ko sa loob ay nakita ko si Clyde na kausap si Jasmine. Natigilan ako nung nakita ko kung paano yumuko si Clyde para humalik sa pisngi ni Jasmine. Nagulat si Jasmine sa ginawa ni Clyde pero nginitian niya na lang to.

Tumingin si Clyde sa may gawi ko kaya ngumiti ako sa kanya. Gusto kong isipin niya na hindi ko nakita ang ginawa niya kay Jasmine. Pero imbes na ngumiti sa akin pabalik ay tinalikuran niya ako at dumeretso sa may bar stand. Sinundan ko siya kaso hindi na ako nakalapit nung bumaling si Clyde sa babaeng nagseserve ng drinks at may binulong dito. Napayuko yung babae habang nakangisi naman si Clyde na nakatingin sa kanya. Maganda yung babae at hindi mukhang bastusin. Humarap si Clyde sa may grupo ng mga lalaki at babae at may sinabi. Sa ingay ay hindi ko narinig yun ng klaro.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon