Chapter 41: Jethro

1.2K 40 8
                                    

Buong magdamag akong gising sa kakaisip sa sinabi ni Sage. Bumalik na naman ang pagaalinlangan ko sa kung anong meron kami ni Clyde. Kaso naisip ko din kung nawala ba talaga yung pagaalinlangan na yun. Na sa lahat lahat ng nangyari sa amin eh andun pa din ang kaba na baka naglalaro lang si Clyde at baka magsawa din siya sa pakikipaglaro sa akin. Akala ko all this time nawala na yung pagaalinlangan na yun. Akala ko buong buo na akong naniniwala sa mga sinabi niya sa akin kaso bakit hindi ako mapalagay dahil lang sa nakaraan niya? Bakit hindi ako mapalagay dahil ang alam ng lahat ay past time lang ako ni Clyde. Na pinapaboran niya ako dahil naaaliw ko pa siya.

Nanliliit ako sa sarili ko.

Ngayon ko lang aaminin sa sarili ko na nagpapanggap lang ako na malakas. Sa totoo niyan hindi ayos sa akin ang lahat ng nangyayari ngayon. Naging mahirap kami, umalis ang tatay ko papuntang ibang bansa, lumipat kami ng bahay, pinagbili namin ang iba naming gamit, kailangan ko magtrabaho para suportahan ang pagaaral ko at wala akong lakas ng loob na mahalin ang tao na gusto ko kasi nanliliit ako. Wala akong lakas ng loob na makipagkompetensya sa mga babaeng may gusto kay Clyde dahil alam ko na dadating ang panahon na  hindi ko na kayang makipagsabayan sa kanila. Wala akong mapagmamalaki. Wala ako kayang patunayan.

At paano pag natapos na ang lahat ng ito? Paano ko sasabihin sa sarili ko na itigil ang nararamdaman ko kay Clyde?

Mukhang ngayong araw na ang huli naming pagkikita ni Sage sa paborito niyang tambayan. Tuyo na ang mga sugat niya at unti unti na ding nawawala ang mga pasa niya. Nung natapos ko siyang gamutin ay niligpit ko na agad ang mga gamit ko at tumayo. Inaayos ko yung bag ko nung biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Are we really done escaping reality?"

Natigilan man ako saglit ay agad akong kumilos para makawala sa pagkakayakap sa akin ni Sage. Pero imbes na pakawalan niya ako ay lalo niya pa akong niyakap.

"Ayaw na kitang ibalik kay Clyde" naramdaman ko ang mukha ni Sage sa may leeg ko. "Kaya kitang agawin sa kanya. Ang tanong lang naman dun ay kung magpapaagaw ka."

Kinabahan ako sa narinig ko kay Sage kaya gumamit ako ng lakas para makaalis sa pagkakayakap niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" humarap ako para itulak siya.

"Do I look like a pathetic child asking for attention?"

"Oo! Kung gumagawa ka ng gulo pwede ba wag-"

Bigla na naman akong niyakap ni Sage. Niyakap niya ako kahit na nakapagitna ang nakataas kong mga kamay para mapigilan siya.

"Two minutes. Just two minutes before I give you back to him."

Nagulat ako sa pagmamakaawa niya. Sa narinig ko sa kanya ay nawalan ako ng lakas. Ibang iba sa Sage na nakilala ko. Yung nangaasar at pinipilit ang gusto niya. Nagparaya ako. Binaba ko ang mga kamay ko kasi sa tingin ko ay masyado na akong nagiging masama sa kanya.

Kumalas si Sage sa pagkakayakap sa akin. "I really can tell why Clyde cant resist you. I guess I cant hold back anymore" hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at linapit niya ang sarili niya sa akin.

Sa gulat ko ay naitulak ko siya at nasampal. Kinuha ko ang bag ko at agad na tumakbo palabas ng kwarto. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang masigurado ko sa sarili ko na nakalayo na ako kay Sage.

Napahawak ako sa labi ko. Hindi ko matatanggi ang nangyari. Natulak ko man siya pero alam ko na alam niya na dumampi ang labi niya sa labi ko. Mabilis man yun at kakaunti lang ang hagip pero sigurado akong dumaplis ang labi niya sa labi ko.

Napaupo ako sa kaba sa nangyari kanina. Ano bang ginagawa ko? Kasalanan ko kung bakit lumala ng ganito ang mga bagay bagay sa amin ni Sage. Paano kung malaman ni Clyde to? Anong gagawin ko? Sinisira ko ba ang bagay na gusto kong alagaan? Tumatakas na ba ako sa katotohanan na pwede akong iwan ni Clyde kaya ganito ang inaasta ko.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon