Chapter 42: What should I believe in?

1.1K 41 11
                                    

Hindi na natuloy yung pre-concert rehearsal ng JC. Kumalat sa school ang pagsugod ni Jethro at ng mga brad niya.

Dun ko lang nalaman na sikat na sikat pala sila dahil sa school namin sila grumadweyt. Kaya ganun na lang siguro kadali sa kanila ang pumasok dito. Akala ko matatakot ang karamihan sa pagdalaw nila Jethro kay Sage pero parang lahat sila natuwa at medyo nagsisi na hindi nila nakita yung mga alumni ng school. Kakaiba talaga sila. Masyado silang tumitingala sa mga taong may kakayanan na sirain ang isa sa kanilang mga idolo.

"Hindi dapat kita iniwan kanina Hannah. Sorry ha." nagaalalang sabi sa akin ni Emily. Nakaupo ako sa may bench nun sa park at siya naman ay nakaupo sa may harap ko.

"Ayos lang Ems. Wala namang nangyari sa akin."

"Wala? Tignan mo nga sarili mo. Namumutla ka lang naman. Ano ba kasing pinagusapan nila? Ang sabi daw ng iba galit na galit si Clyde. Akala ko ba si Sage ang pinunta nila?"

Naalala ko yung itsura ni Clyde nun. Parang nawala siya sa wisyo nung nabanggit ni Jethro ang pangalan na Clare. Yung tipong kung kaya niya lang ay umalis na siya sa harap namin pagkatapos masabi yung pangalan na yun. Naalala ko din kung paano hindi niya na lang ako napansin na andun ako at naririnig ang mga pinaguusapan nila.

Umupo si Emily sa tabi ko. "Ano ba ang balak nila Jet at nandito sila? Makapangyarihan ang Rho Gamma Omicron pero hindi sila nangingialam sa anumang school gatherings dahil sa respeto nila sa school natin. Matagal na silang di bumabalik dito sa school. Ang di ko lang alam bakit andito sila ulit? Ano ang pakay nila kay Sage?"

"Kung dito grumadweyt sila Jethro, siguro naging estudyante din dito si Clare?" naging desperada ako sa pagtatanong kay Emily.

"Sino??" parang nabingi si Emily sa tinanong ko.

"Clare" nahirapan ako na banggitin ang pangalan na yun.

"Sino si Clare?"

Magkahalong panghihinayang at pagpapasalamat ang naramdaman ko na hindi kilala ni Emily yung si Clare. Panghihinayang kasi hindi ko makikilala kung sino ba siya at pasasalamat na hindi ko malalaman kung ano ba siya kay Clyde.

Kinuwento ko kay Emily ang lahat ng nangyari. Mas lalo niya akong pinagingat kay Sage. Alam ni Emily na hindi titigilan ng Rho Gamma Omicron si Sage dahil sa hininto niyang initiation.

Nung nakumbinsi ko si Emily na ayos lang ako ay dun niya ako hinayaan na umuwi magisa. Mas pinili kong maglakad. Gusto ko magisip. Buong maghapon na akong tingin ng tingin sa cellphone ko para sa tawag o di kaya message mula kay Clyde. Mali ba na magantay ako ng paliwanag mula sa kanya? May karapatan na naman siguro ako diba? May karapatan nga ba ako?

Naguguluhan ako. Bumabalik na naman sakit ko. Umaatake na naman ang takot kong ibigay ang sarili ko kay Clyde kahit na nasa kanya na ang puso ko sa simula pa lang. Sigurado akong marami pa akong hindi alam sa kanya. Sa totoo niyan nararamdaman ko ang pangliliit pag di ko siya kasama. Pag wala sa tabi ko si Clyde eh dun ko lang nararamdaman ang mabibigat na tingin ng ibang tao. Akala ko magbabago yun pero mukhang hindi na.

Sino si Clare? Ano ang itsura ni Clare? Ganun ba siya kaimportante kaya naapektuhan agad sa kanya si Clyde? Nagseselos ako. Oo nagseselos ako. Mali man pero nagseselos ako sa babaeng hindi ko man lang kilala.

Pero hindi ata yun ang gusto ng tadhana.

Bukod sa pagdalaw nila Jethro eh wala ng kumalat pa sa mga nangyari. Kaya hanggang ngayon hindi ko pa din kilala kung sino ba si Clare?

Lumipas pa ang dalawang araw bago napagpasyahan na itutuloy na ulit yung naudlot na presentation nila Clyde. Hanggang ngayon wala parin akong balita sa kanya. Mga 4 na beses ko na siyang tinext at 2 beses na miniscall. Napagpasyahan ko na baka naiistorbo ko lang siya

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon