[ 35 ] Change

49.5K 629 113
                                    

Chapter 35: Change

Naglalakad ngayon si Steffi at nakasunod sa kanya si ZAC. Papasok na sila sa school at ito ang unang beses na magcocommute sila ng sabay dahil wala na ang sasakyan ni ZAC. Habang naglalakad, hindi maiwasan ni Steffi isipin kung magkano nabenta ni ZAC ang sasakyan niya at paano nagawa ni ZAC na ibenta iyon lalo na at mamahalin iyon.

"Geneere," tawag nito sa kanya.

"Bakit?"

Sinabayan siya ni ZAC maglakad at iniabot niya ang kamay kay Steffi pero tiningnan lang 'yon ni Steffi at saka niya tiningnan si ZAC.

"Nangangalay na ako," reklamo nito.

"Maglalakad tayo ng holding hands? Ayoko nga!" sagot ni Steffi.

Napahawak si Steffi sa noo niya nang pitikin iyon ni ZAC.

"'Yong bag mo, akin na. Hindi 'yang kamay mo."

Nahiya si Steffi doon. Akala niya ay hinihiling nito na hawakan niya ang kamay niya.

"'Wag na. Kaya ko na."

"Akin na sabi."

"Edi sa 'yo!" sigaw niya sabay abot ng bag niya.

Dahil sa ginawa ni ZAC ay lalo siyang nakaramdam ng hiya. Inunahan niya na lang ulit sa paglalakad si ZAC habang si ZAC ay napapangiti habang nakasunod sa kanya. Natutuwa siya sa reaksyon nito nang mapahiya ito. Habang naglalakad, hinabol siya ni ZAC at hinawakan ang kamay niya. Kahit na gusto niyang tanggalin ang kamay niya sa pagkakahawak nito, hindi niya magawa dahil ayaw nitong bumitaw.

"Alam ko naman na ito ang gusto mo. 'Yan, pinagbigyan na kita," pang-aasar nito.

"Ang yabang mo, ah?! Gusto mo bang durugin 'yong mga buto ko sa kamay? Ang higpit kaya ng hawak mo!"

Niluwagan ni ZAC ang pagkakahawak sa kamay ni Steffi pero hindi niya pa din ito binitawan kaya hinayaan na lang siya ni Steffi at naglakad sila ng ganoon hanggang sa makarating sila sa sakayan ng jeep na dumadaan sa tapat ng school nila. Wala ring pila kaya nakasakay sila kaagad at mabilis rin na napuno ang jeep. Si ZAC ang nagbayad ng pamasahe nila pero nang tanungin siya ng driver kung may barya siya dahil walang panukli, 'keep the change' lang ang isinagot nito. Ikinatuwa iyon ng driver pero hindi ni Steffi. Naghihirap na nga kasi ang mga tao sa Pilipinas pero siya, nagagawa pa ang mga bagay na 'yon.

"Geneere, ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo?" bulong ni ZAC.

"Tingin mo magugustuhan ka ng mga nasa ganyang edad na? Hindi naman 'yan teenager kaya 'wag kang assuming. Pinagtitinginan ka nila kasi nayayabangan sila sa 'yo."

"Bakit naman?"

"Seryoso ka ba? Wala ka talagang idea?"

"Bakit nga?"

"Mamaya ko na sasabihin sa 'yo. Malapit na din naman tayong bumaba."

Habang pababa sila sa jeep ay nauntog si ZAC. Hindi nga naman kasi ito sanay sumakay sa ganoon at idagdag pa ang tangkad nito. Tawang tawa na si Steffi doon pero pinipigilan niya lang. Nang tignan niya si ZAC, masama ang tingin nito sa kanya.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon