Chapter 57: Going back to you

147 8 5
                                    

"Nasan ka na Hannah? May graded recitation pa tayo mamaya" Kausap ko si Angelu, ang kaibigan ko na nakilala ko sa Cassiopeia na nagaaral din sa umaga. 

Simula pagkabata niya siya na ang bumuhay sa sarili niya at sa mga kapatid niya. Hindi din kaagad kami naging matalik na magkaibigan pero nung nagkakilala kami, nalaman ko na parehas lang kami na sumasabay na lang sa agos ng buhay. Parehas kaming wala na kaming nakikitang direksyon pero pinipilit na mabuhay para sa mga taong naka-asa sa amin. 

"Bumili lang ako ng gamot ni Mama. Papunta na din ako diyan"

"O siya bilisan mo. Hindi pa ako nagaaral teh"

"Oo sige. Magkita na lang tayo mamaya. Bye" Pinasok ko ang pinamili ko at ang aking cellphone sa bag ko nung narinig ko ang pangalan ko.

"Lim po ang apelyido. Hannah Lim. Pumapasok diyan sa Cassiopeia. Kilala niyo Manong?" Sinilip ko kung saan nanggaling ang boses nung nakita ko ang nakasandal yung lalaki sa tricycle na naka-maong na jacket, naka-shades at cap na itim. Kinakausap niya yung driver nito.

"Hindi eh. Itanong mo na lang sa iba"

Buti na lang ay hindi ako nakilala ng driver. Sobrang kaba ang naramdaman ko. Hindi kaagad ako lumingon. 

Napayakap ako sa mga pinamili ko. Ibang klaseng kaba ang naramdaman ko.

Sino yung lalaking yun at bakit niya ako hinahanap?

Pagkatapos ng klase namin ni Angelu ay pumunta muna kami sa canteen para mananghalian.

"Girl, alam mo na ba ang kwento?" umiinom na ng softdrinks nun si Angelu.

"Anong kwento?" nagmamadali na ako sa pagkain baka malate pa ako ng pasok at kaka-advance ko lang kay Manager Arlene.

"Si Cathy. Yung kasama natin sa bar. Ayun, nakadekwat ng foreigner at nagtanan para magpakasal." Natigilan ako sa sinabi ni Angelu.

"Akalain mo yun, si Cathy ikakasal? Mas bata pa sa atin yun eh. Pero naisip ko diba, sino pang naniniwala sa kasal ngayon? Ako hindi na. Lahat ng tao ngayon naghihiwalay. Sa simula lang yan masaya. Walang forever. Walang magmamahal sa atin kundi ang sarili natin diba? Ikaw ba Hannah, naniniwala ka pa sa kasal?"

Itinabi ko yung plato ko. "Hindi. Hindi naman yun totoo diba?" Dinampot ko yung baso na may tubig at ininom yun. Ang sakit ng dibdib ko ngayon. 

Bakit ba ako naniwala na sa harap ng Diyos, hindi kami maghihiwalay ni Clyde?

(Nagtext si Anton kay Clyde na delayed ang flight nila papuntang Boracay. Kaya naisipan namin na mag gala muna sa beach.

Ayoko na isipin na darating na naman ang oras na balik na naman kami sa pagtatago. Titignan ko na lang si Clyde sa malayo habang kasama niya ang mga kabarkada niya.

"Malalim ata ang iniisip mo? hmmm?" Nakatingin sa akin si Clyde at naghihintay ng sagot ko.

"Wala" ngumiti ako sa kanya "Iniisip ko lang na maganda siguro mabuhay na lang sa ganitong lugar"

"Sige. Kukuha ako ng bahay dito" mabilis na sagot ni Clyde at ngumisi sa akin

Hindi na ako sumagot. Madaling sabihin pero alam kong malabong mangyari na magiging magkasama pa kami ni Clyde. Alam kong panandalian lang itong sa amin. Pinipilit ko lang mangyari ang bagay na ito.

Napatingin kami ng sabay ni Clyde sa tugtog na nagmula sa may gawing kanan namin. Isang kasalan ang ginaganap. Unti lang ang mga tao na nandun pero kitang kita ang puting dekorasyon.

"Tara puntahan natin" hinila ni Clyde ang kamay ko at tumakbo kami sa puwesto sa likod ng mga bisita ng kinakasal. 

Napatitig ako sa harapan ko. Ang ganda. Sobrang ganda. Emerald green ang motif.

My MiracleWhere stories live. Discover now