Chapter 4: Thank You

3K 56 4
                                    

Umuwi ako ng bahay ng hindi pa rin naalis sa isip ko ang nangyari kanina. Ang ginawang kalokohan ni Clyde at ang mga titig at mga reaksyon ng kapwa ko estudyante. 

Isang linggo bago ko nakilala si Clyde para akong nagsisimula ulit ng bagong buhay. Kahit na may mga problema, alam kong kakayanin ko kasi walang manghuhusga sa akin kasi wala silang alam. Pero ngayon, dahil sa ginawa ni Clyde mukhang alam ko na ang mga susunod na mangyayari.

Inayos ko ang sarili ko bago ako pumasok ng bahay.

"Ma? Andito na po ako"

Hinubad ko ang sapatos ko at itinabi yun. Amoy na amoy ko na ang niluluto ni mama ngayon. Sigurado akong sinigang yun. Dumeretso ako ng kusina at nakita ko kung paano na hinahanda ni mama ang hapunan namin.

Kung anuman ang nangyari kanina Hannah, wag kang panghinaan ng loob kahit na maulit pa yung nakaraan kasi may mga tao ka dapat na protektahan.

Kailangan mong protektahan ang mga magulang mo.

Ngumiti ako. "Ma"

Napalingon sa akin si mama at ngumiti."Hannah, gutom ka na ba?" 

Lumapit ako kay Mama. "Hindi pa naman po, Ma. Tutulungan na po kita dyan."

Kukunin ko na sana yung mga plato pero kinuha sa akin yun ni mama.

"Maupo ka na at ako na ang bahala dito"

Sinunod ko si mama at tinignan siya kung paano niya inayos yung hapagkainan.

Ito yung namimiss ko nung andito pa si Papa. Ipaghahanda kami ni Mama ng pagkain tapos kami naman ni Papa ay naglalaro ng snake and ladders.

Pagkatapos maghanda ni Mama ng pagkain ay umupo na siya sa tapat ko.

"Ma, naamoy ko na kanina na sinigang to pero sinigang na baka? Diba mahal to?"

"Hannah, hayaan mo na. Kumain ka na lang" ngumiti sa akin si Mama.

"Pero ma-?"

"Hinanda ko talaga yan para sayo kasi may maganda akong balita sayo"

"Ano po yun?"

"Naalala mo ba yung Milk Tea shop ng Tita Sandy mo? Pwede daw tayong magtayo ng stall na ganun"

"Pero ma, diba po kahit stall lang yun mahal pa din yun?"

"Ang maganda dun anak yung puhunan na gagamitin natin ay pwede natin maibalik buwan buwan hanggang sa mabayaran natin"

"Talaga ma? Anong sabi ni Papa?"

"Pumayag naman ang tatay mo kaya anak susubukan natin to para makadagdag na tayo ng ipon para makauwi na ang tatay mo"

My MiracleWhere stories live. Discover now