[20] Sorry Na

554K 9K 1.7K
                                    

[20] SORRY NA

KAYE ANNE'S POV

"Austin, ayos ka lang ba talaga?"

"Don't worry about me. I'm fine, Kaye Anne."

Sumimangot ako sa sagot niya. "Hindi naman halata na ayos ka lang."

Tumingin siya sa akin tapos ay inakbayan niya ako. "Oo na, hindi na ako okay. Nakakaooffend naman kasi ang Lola mo, Kaye Anne. Bakit sa lahat ng lalaki, kay Nathan pa niya ako kinumpara?" Nagpakawala naman siya ng buntong-hininga kaya automatikong napanguso ako. "Ginagawa ko naman ang lahat para maging mabuting tao diba? Pero bakit sa paningin niya, isa pa rin akong g*go?"

"Don't say that," nakasimangot kong sabi. Siya naman itong bahagyang ngumiti. "Nagkataon lang na mas nakilala niya si Nathan kesa sayo. Bigyan mo pa ng chance si Lola na makilala ka pa ng lubusan, for sure, kakainin niya lahat ng sinabi niya laban sayo."

"Ako pa talaga ang magbibigay ng chance sa Lola mo? Diba dapat, ako ang bigyan niya ng chance?"

Napailing nalang ako sa tono ng boses ni Austin. Nakakaguilty ang ginawa ni Lola kagabi sa kanya. Alam ko namang pabor siya kay Nathan pero hindi naman tamang ikumpara niya ito kay Austin. Iba si Nathan at iba si Austin. Napakaunfair. :(

"Sigurado ka bang babalik ka na sa Maynila?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman," he messed my hair and gave a peck on my forehead. "Napag-usapan na natin ito diba? Sabi ko, mag-ii-stay lang ako dito ng weekend. Lunes na ngayon, diba?"

"I know," sagot ko nalang. Nang mapansin kong may humintong puting van sa driveway ng hotel ay nginuso ko na ito kay Austin. "Ayan na pala yung van oh. Tara na."

Pinagbuksan naman kami ng pinto ng valet at sumakay na kami sa loob ng van. Sasama ako sa paghatid kay Austin sa airport sa Puerto Princesa dahil yun ang request niya sa akin. Paalis na sana ang van nang biglang nakatanggap ng tawag yung driver na nakaassign sa amin. Pagkatapos niyang makipag-usap dun sa phone niya ay hinarap niya kami.

"Ma'am, Sir, may sasabay daw po sa atin sa bayan."

Tumaas ang isang kilay ko. "Sino raw po?"

And as if on cue, bumukas ang sliding door sa kanan namin at tumambad sa paningin namin sina Lola Almira at Nathan.

"Isabay niyo na si Nathan papuntang bayan. Bibili raw siya ng pasalubong dun," sabi ni Lola tapos ay tinulak niya na si Nathan papasok ng van. Pumwesto naman siya sa backseat. "Mag-iingat ka sa bayan, Nathan ha?"

"Sige po, 'La," sagot ni Nathan at agad naman sinarado ng valet ang pinto ng van.

Ugh, bakit si Nathan sa bayan lang ang punta pero sinabihan ni Lola na mag-ingat siya samantalang si Austin, tatawid pa sa himpapawid pero 'di man lang niya tinapunan ng tingin? Unfair talaga.

***

Althroughout the trip, si Austin lang ang binigyan ko ng atensyon. Si Nathan? Ayun, nasa likod, may nakapasak na earphones sa tenga. Feeling ko, kasalanan ko ang nangyari. Dapat pala 'di ko nalang ininvite si Austin dito sa Palawan kung ganito rin naman pala ang nangyari.

"Kuya, dyan niyo nalang ako ibaba sa tapat ng palengke," sabi ni Nathan sa driver kaya naman inihinto niya ang van sa sidewalk. "Salamat."

"Sir, anong oras po namin kayo susunduin?" Tanong ni kuya driver. Napahinto tuloy si Nathan sa paglabas sa van. Naka-duck position siya.

"Huwag na po. Magcocommute nalang ako pabalik sa hotel."

"Hindi po pwede, sir. Binilin po kayo sa amin ni Madam."

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon