[15] Motel

574K 9.5K 1.8K
                                    

[15] MOTEL

 

KAYE ANNE'S POV

Tahimik lang kami ni Austin papunta sa kung saan. Napapansin ko pa na namumuti na ang mga kamao niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa steering wheel. Hindi ko iniexpect na darating siya dito. At alam kong galit siya sa akin dahil sa nasaksihan niya kanina. Kahit naman siguro ako ang nasa posisyon niya, magagalit din ako kapag nakita ko siyang halos kayakap na--- No, talagang magkayakap na kami ni Nathan kanina and what's even worse is, we're in public.

Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob para tignan siya ulit. Halos magsalubong na ang kilay niya at nagtatagis pati ang bagang niya.

"Austin..." I swallowed very hard, "Slow down. Baka maaksidente tayo..."

Hindi niya ako kinibo pero sapat na yung sinunod niya ang sinabi ko.

After 10 minutes or so, nakarating kami sa isang lodging inn. Kung tama ang iniisip ko, para itong motel na nakalocate sa bayan. Bakit dito niya ako dinala???

"Austin---"

"Mamaya na tayo mag-usap," he said with a hard expression then faced the receptionist, if that's what they call him. "One room, please."

"Ordinary or----"

Austin cut him off and then held my right hand. "Give us the most expensive room, please. Pakidalhan na rin kami ng kahit anong pagkain."

Kahit na nagtataka ako kung bakit sa lahat ng lugar ay dito pa kami nagpunta ni Austin, nangingibabaw pa rin sa akin ang pagkanerbyos. Hindi ko siyang magawang tanungin. Natatakot ako sa kanya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Madalas kaming magtalo noon, pero ito ang tingin kong pinakaseryoso sa lahat so far.

Inassist na kami ng Motel crew sa room namin. Napalunok nalang ako nang ilibot ko ang paningin ko dito sa kwarto. Hindi naman gaanong kalakihan ang kama, wala ring sofa, pero may TV at airconditioned naman ang kwarto. Ito ba talaga ang most expensive room nila dito?

Mas lalo akong kinabahan nang marinig kong sumarado ang pinto. Nanatiling akong nakatayo habang hinuhubad ni Austin ang suot niyang blaser. Nakasuot pa kasi siya ng uniform ngayon. Sa palagay ko, nanggaling pa siya sa E.H.U.

"Mamaya na tayo mag-usap kapag dumating na ang pagkain, Kaye Anne. Masyado akong pagod sa byahe. Nanggaling pa ako sa E.H.U. Hindi ko na nagawang magpalit muna ng damit o kumain muna ng lunch o snacks," umupo siya sa kama at binaon ang mukha niya sa mga palad nito. "Ayokong magpatong-patong yung gutom, pagod, at yung galit ko kapag nag-usap tayo."

Umupo ako sa kabilang sulok ng kama. Hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng guilt sa kanya. Kasalanan ko naman talaga ito... Pero may kasalanan din naman siya sa akin ah.

Maya-maya lang ay dumating na ang pagkain. Niyaya niya pa akong kumain, pero tumanggi ako. Kakakain ko lang sa fiesta kanina. Wala pati akong ganang kumain.

Nang matapos na siyang kumain, tumayo siya sa harapan ko. Nanatili naman akong nakayuko habang nakaupo pa rin sa kama. Ramdam na ramdam ko yung stern stare niya sa akin. But somehow, I feel a little appeased of him. Hindi niya ako inaway agad. Kinalma muna niya ang sarili niya bago ako kausapin.

"Now, let's talk," he paused and breathed in. "Gusto kong mag-apologize sayo sa ginawa ko nung nalasing ako. Believe me, I didn't mean it, Kaye Anne."

"But I... I think you did."

"I did not. Lasing lang ako nun," kalmadong paliwanag niya. "I am really sorry. Wala ako sa sarili nung gabing yun. Kung nasa katinuan pa naman ako, hindi ko naman magagawa sayo yun, Kaye Anne. Ayaw kitang pilitin na gawin ang bagay na yun. Nirerespeto kita."

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon