Hater 45: Misteryo

3.4K 84 9
                                    

"Da-dan~!" masayang itinaas ni Mikaela ang hawak nyang picture frame.

Sabay naming itinaas ni Bernadette ang mga ulo namin habang patuloy na nginunguya ang kanya kanya naming pagkain.

"Ano yan?" tanong ni Bernadette.

"Painting." malalaking ngiti na sagot ni Mikaela. 

"Painting?" mabilis kong tanong saka lunok ng natitirang pagkain sa aking bibig. "Anong painting dyan eh mukha yang picture frame." maliit lang naman kasi ito. Siguro, kasing laki lang ng 1/4 cardboard tapos may frame na may random picture sa loob. Edi picture frame.

"Hindi ano ka ba." umupo sya sa isa sa mga bakanteng upuan. "Binili ko to dun sa museum kanina. Tingnan nyo, ito daw yung the fall of Icarus painting. Di ba, ang ganda?" lalo pa nyang inilapit sa amin yung painting na mukha lang picture frame.

Sabay naming nilapit ni Bernadette ang tingin namin sa painting daw.

Ang pinaka una kong nakita ay ang isang babaeng parang nagpapastol ng kabayo. May lalaking nag aalaga ng mga hayop, baka o kalabaw ata yun. At isang lalaking nangingisda sa kanan sa gilid.

Sa gitna ng painting ay merong dagat. May mga makalumang barko din sa gitna at malalaking bato. Sa itaas ay ang isang maliwanag na kalangitan.

Tumango ako. "Hm, maganda nga." sagot ko nalang kahit sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung paano magdifferentiate ng maganda at hindi magandang painting.

"Ikaw Berns, nagagandahan ka ba?" tanong din ni Mikaela kay Bernadette.

"Hm.." halata ang pag aalangan dito. Halatang wala ding alam sa mga painting. "Okay naman sya. Maganda." pag sang ayon ni Bernadette sa akin. "Pero, bakit mo yan binili?"

"Kasi, ang ganda ng kwento neto. Ano nga ulit yung sinabi kong title netong painting?" nakangising tanong ni Mikaela na para bang chinachallenge pa nya kaming maalala ang title nung painting.

"The fall of..." pareho kaming nagkatinginan ni Bernadette. Ano nga ulit yung susunod dun?

"Icarus. The Fall of Icarus." atat na pagdugtong ni Mikaela.

"Ah, yun nga. O, anong meron dun?" tanong ni Bernadette na halata namang wala ring pakialam sa kung ano mang "kwento" ng painting ang sinasabi ni Mikaela.

"Sa painting na to, nakikita nyo ba si Icarus?" nakangisi nya paring tanong. Nag eenjoy talaga sya na makitang sya lang ang may alam dun sa painting.

"Eh sino ba dyan si Icarus?" agad kong tanong habang nakatingin sa painting.

"Sya yung...Ay, Jess ha. Ako nga yung nagtatanong tapos nililito mo ako." nahalata nya agad ang pagtatanong ko na para lang masagot nya ang sarili nyang tanong. 

"Sabihin mo nalang kasi. Nagpapahula ka pa eh." komento ni Bernadette na halatang walang balak malaman kung sino ba dun sa painting si Icarus.

"Si Icarus, eto sya." nakangiti nyang itinuro yung maliit na bagay na nasa dagat sa painting. "Isang anghel kasi si Icarus, pero, hindi sya nakakalipad. Isang araw, ginawan sya ng tatay nya ng pakpak na gawa sa wax. Pero, pinagbawalan sya nito na lumapit sa araw kasi nga, matutunaw ang pakpak nya. Pero, matigas ang ulo ni Icarus. Ipinilit parin nya na lumipad papalapit sa araw. Sa huli, natunaw ang pakpak nya. Nahulog sya sa dagat at namatay." pagkekwento nya.

Sabay kaming napatango ni Bernadette sa kwento ni Mikaela.

"Ay bobo naman pala yung si Icarus." mabilis kong pagrereact. "Obvious naman na mamamatay sya sa pakpak na wax kapag lumapit sya sa araw. Ay, walang common sense." napapailing kong komento.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon