Hater 39: Boys' Playground

2.8K 102 0
                                    

"Ano, san ka nga pupunta?" muli kong tanong ng hindi sya agad nakasagot. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at naglakad papunta sa kanya ng naka cross arms.

"Jessie, bakit ba gising ka pa?" tanong nya sa mababang boses. "Gabi na. " sumulyap sya sa kanyang wrist watch. "Hindi ka pa ba--"

"Gabi na nga. Baka nga mag uumaga na. San ka pa pupunta?" pagtatanong kong muli.

Iniiwas nya ang mga tingin nya sa akin na para bang meron syang isang malaking sikretong tinatago at patuloy pang pinag iisipan kung sasabihin nya ba ito o hindi.

Biglang tumunog ang cellphone ni Asher. Mahina lang ito at hawak naman nya kaya agad na nya itong napindot at hindi na naglikha ng kahit na anong pang ingay. Naglakad sya ng konti palayo at patalikod sa akin saka sinagot ang tawag sa kanyang telepono.

"Oo...eto na nga gagawin na...wag ka ngang...basta...bye..." hindi ko marinig ng masyado yung sinasabi nya dun sa tao sa kabilang linya. Ano ba to si Asher, parang ang laki ng sikretong tinatago.

"Sino ang kausap mo?" tanong ko agad sa kanya ng makabalik sya sa kinatatayuan ko.

Bumuntong hininga muna sya saka muling sumulyap sa kanyang relo.

"Jessie, kailangan ko munang umalis." pagpapaalam nya.

"Ha? San ka ba kasi pupunta?" agad kong tanong.

"Basta. Wag ka ng magtanong. Sabihin mo nalang sa kanila kapag hinanap nila ako na--"

"Subukan mong maglakad ng kahit na isang hakbang lang papunta sa pinto na yan ng hindi mo sinasabi sa akin kung san ka pupunta. Sisigaw talaga ako dito at gigisingin ang mga tao sa bahay na to." pagmamatigas ko at panththreaten sa kanya. 

Napabuntong hininga muli sya.

"Alam mo Asher, naiintriga na talaga ako sayo. Ano ba tong bagay na parang tinatago mo sakin simula ng makarating tayo dito ng Batangas?" pagdidiretso ko na ng tanong sa kanya.

"Okay." bulong nya matapos ang ilang segudong pag iisip. "Pupunta ako ng Laguna ngayon."

"Laguna? Bakit, anong meron sa laguna?" mabilis kong naitanong. Alam ko, malapit lang yun dito ah.

Tiningnan nya pa ako muli ng ilang segundo. Pinag iisipan pa talaga nya kung sasabihin nya sa akin o hindi. "May racing event ako sa laguna ngayon." 

"N-ngayon? As in ngayong gabi?" nagtataka kong tanong. Gabi pa, hindi ba delikado yon?

"HIndi naman ngayong gabi. Bukas pa. Pero kailangan ko ng bumyahe ngayon. Marami pa kasing itetest at ichecheck sa sasakyan bago ako makakasali sa racing kaya kailangan ko ng umalis ngayon." pagpapaliwanag nya.

"Ah..." napapatango kong bulong bilang tugon. "Pwede bang sumama?" bigla kong tanong.

"Hindi pwede." mabilis at walang ekspresyon nyang sagot. 

"Bakit hindi pwede?" agad ko namang tanong.

"Dahil delikado yon. Iba yon sa racing event na pinagdalhan sayo nila Ian. Tunay na karera to ngayon." pagpapaliwanag nya.

"Eh gusto ko nga makita!" nakakacurious. Tuwing itinatago ang isang bagay, lalong nakakacurious malaman kung paano o ano yon. Hindi ba alam ni Asher yon? Lalo ko tuloy gustong makita syang mangarera.

"Hindi nga pwe--"

"Pag hindi mo ko sinama, hindi kita sasagutin kahit kelan." nakaturo kong sabi sa kanya. 

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon