Hater 36: Remembrance

3.3K 104 6
                                    

Tatlong jeans. Dalawang dress. Limang shirt. Limang sando. Limang pares din ng undies. Toiletries. Make up kit. Konting accessories. Wallet. Cellphone at Susi.

Ano pa ba ang kulang? May kulang pa ba? Ugh, first time ko naman kasi tong pumunta ng probinsya. Baka mamaya, may makalimutan pa-

Ah! Heels, rubber shoes at tsinelas pa pala. Buti nalang naalala ko.

Sige, ready to go na!

"Oo. Sigurado ako. Magagawa ko na yun." napatigil ako ng aking paglalakad ng marinig ko ang boses ni Asher na may kausap sa telepono. Nasa isang sulok sya, medyo malayo mula sa puting van na service daw namin papuntang Batangas. "Maghintay ka lang. Sigurado ako. Magagawa ko ang usapan natin." dagdag pa nya.

Ilang segundo pa syang nakinig sa kanyang kausap saka nya binaba ang kanyang cellphone.

"Ha." nagulat sya ng pagtalikod nya ay nandito ako at nakatayo. "K-kanina ka pa ba jan?" tanong nya.

"Hindi naman. Kadarating ko lang." nag lean forward ako sa kanya. "Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Syempre." mabilis nyang sagot sabay lapit sa akin. Kinuha nya ang hila hila kong kulay blue na maleta bago pa man ako makapagsalita. "Bigla bigla ka nalang dumating jan, hindi man lang kita naramdaman. Para kang multo."

"Asus! Ang sabihin mo, ayaw mo lang marinig ko yung sinasabi mo dun sa kausap mo sa phone. Siguro, babae yun noh." panunukso ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad papunta sa van.

"Hindi ah!" mabilis nyang pagtanggi. "Kung may girl talk. Meron ding boy talk. Si Ian yung kausap ko." pagpapaliwanag nya. Masyadong defensive. Sus, nagbibiro lang naman ako.

"Ah, ganun ba. Sige sige." napapangiti kong sagot sa kanya.

Syempre naman. Kahit papaano ay kailangan nya rin ng privacy. Hindi ako dapat nagtatanong sa mga usapang boy talk.

May tiwala ako sa kanya.

*

"Uy, picture picture naman tayo." biglang pananalita ni Mikaela habang nasa byahe na kami. "May dala akong polaroid~ Dali, picture picture muna tayo." saglit akong lumingon. Hawak na nya ang kanyang pink hello kitty polaroid at tila ba inaadjust ito.

"Ano ba yang polaroid mo. Hello kitty pa." puna ko dito.

"Ano ka Jess. Kakabili ko lang nito kahapon noh. Ang cute kaya." ngiting ngiti nyang sagot sa akin.

"Ngek, hindi kaya." pabulong ko pang dagdag saka ako umayos na ulit ng aking pagkakaupo, patalikod sa kanila.

"Say cheese~" rinig ko pang sabi ni Mikaela. Nagpicturan na sila ni Aden dun sa likod.

Napalingon ako sa tabi ko. Tahimik lang na nakaupo si Asher habang nakatingin sa bintana, sa mga daang nalalagpasan namin.

Parang may iniisip. Parang ang lalim. Parang seryoso. Ano kaya yun?

"Mika, kayo naman ni Jess." narinig kong boses ni Aden.

"Ha?" pagkalingon na pagkalingon ko palang. Sumalubong na sa akin ang flash ng polaroid na camera ni Mika. Si Mika nasa tapat ko na. "Done. O ayan, ang ganda ng kuha nyo." nakangiting pananalita ni Aden.

"Anong ang ganda? Patingin nga." stolen shot. Anong maganda dun.

"Sige wait." lumabas ang film ng picture sa camera. Itim muna ito nung una kaya kinailangan pang pahanginan ng konti ni Mika para lumabas ang picture sa litrato. Unti unti, naging visible din ito.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon