Hater 23: Who is Amy?

4.6K 116 22
                                    

Nakaready na ang damit na susuotin ko para mamayang gabi para makilala si Amy. Boots ba katulad ng inadvice ni boy the bangs? Hindi. Heels!

Hindi naman sa nakikipagtalbugan ako. Pero, sanay lang talaga akong mag heels. Tsinelas sakin ang heels kaya anong magagawa ni boy the bangs kung dun ako komportable. Siguro, hipon yon si Amy. Maganda at matambok ang katawan pero ang panget ng mukha. Pinapapanget kasi ako ni boy the bangs at pinagsusuot pa ng jeans, shirt at jacket tapos rubber shoes or boots daw. Ehck! Walang fashion sense. Igaya pa ako sa kanya.

Sisiguraduhin kong MAAYOS at ORDINARYO ako pag nakita ko si Amy. Kaya Heels at dress ang isusuot ko. Sige na, magjajacket ako kasi gabi na at malamig pero yun lang ang susundin ko. Ha! Ayokong magmukhang weirdo at mawalan ng fashion sense.

Pero, naisip ko, bakit nga ba 9pm na gustong makipagkita ni boy the bangs? Yun lang ba ang oras na available si Amy? Nakakacurious kung sino sya ah.

Inayos ko ang paper bag na naglalaman ng pulang dress at heels ko. Masyadong agaw pansin ang pula sa school kaya di ko muna sinuot.

Nahawi ng konti ang kurtinang nagsisilbing pinto at pang cover ng booth namin mula sa labas. Mukha talaga akong nagpapahula sa pusturang to. Lumusot ang ulo ni Asher, ang lalaking mamaya lang ay malalaman ko na ang girlfriend kung sino at kung saan ko ibubunyag ang mga kalokohan nya. Buwahahaha!

"Jessie, may magpapa advice. Medyo emotional to ha kaya hinay ka lang." pag wawarning nya.

"Magiging honest ako sa kanya." Diretso at blankong ekspresyon kong sagot sa kanya.

Bumuntong hininga sya. "Basta, dahan dahanin mo talaga to." Nilabas nya ulit ang ulo nya at mas malaki ng humawi ang kurtina.

Kasama ni Aden na papasok ang isang babaeng nakayuko at parang galit ang mukha. Umupo sya sa upuan opposite sa akin.

"Makikinig ako sa pag aadvice mo." Nakangiting bulong sa akin ni Aden.

"Ha? Bakit pa-" naputol ang pagsasalita ko ng bigla nyang takpan ang bibig ko.

"Sige na, baka kasi may sabihin ka pang over the limit. Depress yan. Kaya hinay hinay ka lang." bulong na naman nya patungkol dun sa babae.

Tinanggal ko ang kamay nya sa bibig ko.

"Yung kamay mo, ang baho kaya." Maktol ko sa kanya. Wala namang amoy pero, wala lang, gusto ko lang sabihin na ganun.

Inalis ko na ang atensyon ko sa kanya at hinarap na ang babaeng nasa harap ko.

"Ms? Anong maitutulong ko-" nagulat at napatigil ako ng pagsasalita ng bigla nyang hampasin ang mesa na nasa pagitan naming dalawa. Ngayon ko lang napansin pero malalaki ang eyebags sa ilalim ng mata nya, namumula rin ang pisngi nya at ilong na para bang umiyak sya ng matagal.

"HAYOP SYA! Binigay ko sa kanya ang lahat pero pinagpalit lang nya ako sa babaeng yon! Sabihin mo?" malalaki at dilat na dilat ang mga mata nya ng tingnan nya ako ng diretso. "Panget ba ako?"

Seryosong seryoso ang paligid. Gulat na gulat ako sa paghampas nya sa mesa at nasa kanya ang buong buo kong atensyon ng mapatawa ako ng malakas sa pagtatanong nya na yon. Hindi ko napigilan pero bigla nalang akong napatawa ng malakas.

Hahahahaha!!!!

"Jess.." siniko ako ni Aden pero patuloy lang akong tumatawa.

"B-bakit ka tumatawa?" sigaw na tanong nya sa akin. Ilang segundo ko munang pinigil ang sarili ko bago sya ulit kinausap.

"I'm sorry." Napapangiti pa rin ako pero pinigilan ko lang talaga. "Ano nga ulit yung tinatanong mo?"

Para syang nagtaka at napatingin pa kay Aden. "Ang tanong ko...panget ba ako?" nag aalangan pa nyang tanong.

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now