Hater 44: First Date

3.2K 86 0
                                    

"Ms. Misteryo. Ms. Misteryo." tawag sa aking pangalan mula sa mga speaker na nasa gilid.

Lumapit ako sa tapat ng glass window ng accounting office. Randam ko ang lamig ng aircon na galing sa kwarto na lumulusot lang sa maliit na bilog na butas nito sa gitna. Habang mainit naman ang pakiramdam dito sa labas para maghintay.

"Eto na ang resibo mo." inabutan ako ng babae sa isang puti at dilaw na papel bilang resibo.

"Salamat." tipid ko lang na sagot sa kanya.

Umpisa na naman bukas ng bagong semester. Umpisa na naman ng bagong kalbaryo. Pero, magandang balita rin ang dala nito dahil ito na ang pangalawang huli kong semester. Higit anim na buwan nalang at gagraduate na ako sa university na to.

Inilagay ko ang mga resibo ko sa wallet. Pati sukli inayos ko na ng lagay.

Tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag text sakin. Hindi ko naman napigilang mapangiti ng makita kung sino ang nag text.

From: Asher Calleja

 San ka? :)

To: Asher Calleja

Sa Accouting office. Nagbayad lang ng tuition. Bakit?

Mabilis kog text pabalik sa kanya habang may mga hindi matangal na ngiti.

From: Asher Calleja

Date tayo? :D

Oh. Nagulat naman ako sa sagot nyang yon. Hindi ako agad nakasagot. Date? Ano namang gagawin namin sa isang date?

Wala akong maisip.

Hindi pa naman kasi ako nakakapunta ng kahit na anong date. Wala talaga akong ideya kung paano yun ginagawa. 

Ngayong iniisip ko na. Akala ko, simpleng panonood lang yun ng sine at pagkain sa labas. Ngayon ako na ang nasa sitwasyon, bakit parang naging komplikado ang lahat?

To: Asher Calleja

Ano namang gagawin natin?

From: Asher Calleja

Anong gusto mo? Mall tayo? Nood ng sine? :)

Akala ko pa naman may maiiisip syang iba. Wala naman pala. Tsk tsk tsk. Medyo dissapointed ako dun ha. 

To: Asher Calleja

Ayoko dun. Masyadong maraming tao.

Pagpapalusot ko. Ayokong gawin ang lagi ng ginagawa ng mga couples sa first date nila. Nood ng sine sa sinehan. Sobrang common. Wag na yun.

From: Asher Calleja

Ah, gusto mo pala konti lang ang tao? Call! ;)

May wink emoticon pang kasama ang text nya. May pagka Jeje ha. Pero sige nalang. Saan naman kaya tong gusto nyang lugar para mag date daw kami?

*

Binuksan ko ang pinto suot ang isang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha. Ang galing magyaya. Ang galing ng balak. Tsk tsk.

At ano nga bang aasahan ko. 

"Pizza?" malalaki ang ngiti na sinalubong nya sa akin sa pagbukas ko ng pinto.

"Pasok na." natural ko lang na sagot sa kanya.

"Bakit naman ganyan ang mukha mo?" tanong nya. Lumuhod sya para salubungin ang dalawang tuta na patakbo  takbo lang sa sahig ng sala ko. "Maya...Max..." niyakap nya ang dalawang tuta habang tuwang tuwang pinaglalaruan ang mga yon.

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now