Hater 38: Hay, Love.

3.8K 93 3
                                    

"Ahahaha!!" napapailing parin ako at patuloy na napapatawa. Sobrang nakakatawa.

"Ikaw ba Jess, hindi ka pa nakaka move on jan sa pagtawa mo?" tanong sa akin ni Mikaela gamit ang pamatay nyang mga tingin.

"Pasensya naman. Mas nakakatawa pa kasi yon kesa sa kahit na anong joke." nakangiti kong sagot sa kanya habang pinapagpag ang unan na binigay sa aking pantulog.

Nandito kami sa isa sa mga kwarto dito sa bahay nila Mikaela. Malaki ito masyado kaya imbis na mag kanya kanya ng mga kwarto para sa aming tatlo, nagsama sama nalang kaming mga babae. Nasa iisang kwarto din lang ang mga lalaki. Parang nag cacamping lang.

"Bakit nga ba ayaw mong sabihin sa papa mo na nagboboyfriend ka na?" tanong ni Bernadette na naka indian seat sa foam bed na nilatag nya.

"Naku po! Papatayin ako nun sigurado. Dapat ko daw munang tapusin ang pag aaral ko bago ako mag boyfriend." sagot nya habang inaayos din ang hihigaan nya.

"Alam mo, sa tingin ko, hindi yan mangyayari. Nakita mo ba yung mga portraits mo sa labas? Nakakatakot di ba." pabibigay ko ng aking komento.

"Oo nga naman. Mahal na mahal ka ng parents mo. Hindi mangyayari yun." pagsang ayon naman ni Bernadette.

"Okay fine. Sabihin na natin na hindi nga nya ako papatayin. Pero, sobra naman syang madidissapoint sakin. Syempre, inaasahan nya, Model student ako at talagang maaasahan." pagbibigay ng argumento ni Mikaela.

"So, itatago mo nalang sa parents mo na nakakabente ka ng lalaki?" agad namang tanong ni Bernadette. "Sa tingin ko, mas madidissapoint sila kung malalaman nila yan sa iba maliban sayo."

"Hindi yan." mabilis nyang sagot. "Basta," tinuro nya kami ni Bernadette. "Wag na wag kayong magkekwento ha. Lalo ka na Jess, makati pa naman ang dila mo sa mga tsismis." pagbabanta nya sakin.

"Hoy!" sigaw at turo ko sa kanya. "Maka makati ang dila ka naman jan. Hindi ah. Kung worth it lang. Hindi naman worth it yung sayo." sagot ko sa kanya.

"Asus! Basta, wag kang magkekwento." pahabol pa nya.

"Oo alam ko!" ano namang akala neto. Na ilalaglag ko sya. Naku, hindi mangyayari yun.

"Osha sha, matulog na tayo. Mika, patayin mo na yung ilaw." utos ni Bernadette kay Mikaela.

"Teka, wag!" pigil ko kay Mikaela na nakatayo na mula sa foam bed nya.

"Bakit na naman?" tanong ni Bernadette at Mikaela.

"Uhm, hindi kasi ako makatulog ng patay ang ilaw. Buksan mo nalang." sagot ko sa kanila. Kung papatayin nila ang ilaw. Aba, mamamatay ako dito panigurado.

"Eeh...Jess, hindi naman ako makatulog ng bukas ang ilaw." sagot ni Mikaela.

"Ako din." pagsang ayon din ni Bernadette.

"Basta. Wag nyong patayin." pagbabanta ko kay Mikaela.

"Papatayin ko na ha.." nakangiti pa nyang paalam.

"Wag mong papatayin kundi sasabihin ko sa papa mo yung sikreto mo!" bawal nyang patayin yung ilaw. Bawal na bawal.

"Jess naman eh!" maktol nya na parang bata. "Oo na. Hindi na. Matulog na tayo." nakasimangot syang bumalik sa foam bed nya.

"Hay..." malakas na buntong hininga ni Bernadette.

Humiga na rin ako sa aking foam bed. Mabuti naman, makakatulog ako ng maayos.

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now