Hater 12: Heart to Heart

5K 134 6
                                    

"Gaano ka na katagal mag isang nakatira dito?" napatigil ako sa pagnguya ko sa tanong nyang yon.

Mabagal na bumaling ang matatalim kong tingin sa kanya.
"At bakit mo naman tinatanong?" mas mataray ang naging dating ng tono ko kesa sa kung paano ko ito gustong sabihin.
"Curious kasi ako" tipid ngiti nyang sagot na mukhang kahit papaano ay tunay naman.
"Curious saan?" nagtataka ko namang tanong.
"Sa kung gaanong katagal ng nakatira ang isang magandang babae dito kahit hindi sya marunong magluto." pabiro nyang sagot.

By instinct, natawa ako sa sinabi nya. Ewan ko ba, epekto ata ng masarap nyang improvise dinner.
"Marami akong pera pambili ng pagkain ko. Di ko na kailangan pang matuto." proud kong sagot sa kanya.

Natawa sya. "Woah! Ikaw ng maraming pera." pabiro nya muling sagot. "Pero seriously, gaano ka ng katagal mag isang nakatira dito?" mas seryoso nyang tanong pero may ngiti parin.

Pinagtaasan ko sya ng isang kilay saka ako ngumisi. "I would have to kill you if I were to tell you"

Natawa sya. "Aba, aba. Nakikipaglaro ka talaga ha. Hmm.." para pang nag isip pa sya ng idadagdag nya sa sasabihin nya. "What if, I will tell you an info about me and magsasabi ka rin ng sayo. Deal?" pakikipagtransaksyon pa nya.

Napaisip pa ako saglit.
"At bakit ko naman gugustuhing malaman ang tungkol sayo? Hindi naman ako curious sayo." sagot ko.
"Ano ka ba. Just to pass some time." sagot nya na para bang ang dating ay masyado kong sineseryoso naman ang pagtatanong nya.

Saglit muna akong nag isip kung papayag ba ako sa gusto nya. Ayoko naman kasing binibigay sa mga taong di ko naman kailangan sa buhay ko ang mga importanteng impormasyon tungkol sa akin. Hindi ko rin naman kailangan malaman ang kahit ano na impormasyong tungkol sa kanya.

Pero, may punto naman sya. Wala naman talaga kaming magawa.
"Fine. Deal." pagsang ayon ko.
"Yes!" masaya nyang tugon na napapalakpak pa sya.
"Bakit parang sobrang saya mo?' nagtataka kong tanong. Adik! Ano naman magagawa sa kanya ng kwento ng buhay ko. Tsk tsk.
"Secret." pagpapacute nyang sagot. Kumindat pa ang loko loko.
"Tss! Anyway, Nagsimula yun nung--" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang dumilim.

Biglang nawala ang kahit na anong ilaw na pinanggagalingan ng liwanag sa unit ko.
"Nag brownout pa." rinig kong pananalita ni Asher na alam kong malapit lang sa tabi ko pero hindi ko maaninagan ang kahit na anong parte ng katawan o mukha nya.

Sa sudden realization ng madilim kong paligid, agad akong napahawak sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Kaba? Panic? Hindi. Takot.

Nalulula ako. Randam ko ang pag ikot ng paligid ko, pag ikot ng ulo ko, ng paningin ko.

Mabilis ang pagkaipon ng pawis ko. Nahihilo ako. Matagal ko ng hindi nararamdaman ang ganito.
"Hay, may flashlight ka ba dito?" rinig kong tanong ni Asher pero hindi ko sya masagot. "Kunin ko lang yung cellphone ko ha, naiwan ko ata sa kusina mo." naramdaman ko ang pawala nyang weight sa sofa. Sa panic ko, agad kong nireach out ang kamay ko para mahila sya pabalik. Kung ano lang sana ang mahila ko. Buti nalang, naabutan ko pa ang damit nya.
"Bakit?" tanong nya sa gitna ng dilim.
"P-p-pumunta k-ka d-dit-to." sinubukan kong kontrolin ang bibig ko para maayos akong makapagsalita pero hindi ko talaga kaya.
"Ha? Anong sabi mo?" tanong nya na mukhang hindi pa naintindihan ang sinabi ko. Bwiset na lalaki to talaga. "Kukunin ko lang yung--"
"Pumunta ka muna dito sa tabi ko!" mabilis na sigaw ko sa kanya. Ugh! Eto ang ayoko, pati pagsasalita nahihirapan ako.
"Ano bang problema mo?" tanong nya. Randam ko ang muli nyang pag upo sa sofa, ngayon, mas malapit na sa tabi ko.
"I-i-ilabas mo m-muna ako sa h-hallway.." nauutal ko paring bulong sa kanya.
"Ha? Bakit?" tanong nya kasabay ng paghawak nya sa balikat ko. "Teka, nanginginig ba ang katawan mo?" randam ko na ang bahid ng concern sa tono ng tanong nya.
"Kapag hindi mo ako n-nilabas ngayon. H-himatayin ako d-dito." hirap kong bulong sa kanya.

Ilang segundo pa syang nag isip. Loko to, pinrocess pa ata nya sa utak nya yung sinabi ko. O parang pinakiramdaman din ang katawan ko. Hanggang sa naramdaman ko ang pagbuhat nya sa akin. Hindi ko alam kung paano nyang nagawa yun sa gitna ng dilim pero mas okay na rin yun para madala nya ako palabas ng unit ko.

Maaaring sa kanya ilang segundong lakad lang ang mula sa sofa hanggang sa pinto ko. Pero para sa akin, mahabang struggle yun lalo habang kinokontrol ko ang paghinga ko.

Sinalubong ako ng maliwanag na hallway. Buti nalang maliwanag doon.

Marahan nya akong binaba mula sa pagkakabuhat. Ako naman, awtomatiko akong tumalikod sa kanya at humarap sa puting dingding ng hallway pagkababa ko. Hawak ko ang dibdib ko at pilit na pinapakalma ang paghinga ko.

Kalma lang. Kalma lang. May liwanag na. Isa yong request. Request sa puso ko na tumigil na sya sa takot na nararamdaman nya.
"Okay ka lang ba?" tinapik ni Asher ang balikat ko. At kahit hindi ko inangat ang ulo ko para makita ang mukha nya, randam ko naman ang concern nya.
"Okay lang." pabulong kong sagot dahil hinahabol ko parin ang paghinga ko.

Ng medyo bumagal na ang hingal kong paghinga, tumayo ako at humarap sa kanya.

Napakunot noo sya at tiningnan ako mulo ulo hanggang paa.
"Seryoso. Okay ka lang ba talaga?" tanong nya ulit kasabay ng paghawak nya sa noo ko, pinupunasan pala nya ang pawis ko. Wala namang panyo kaya kamay nalang.
"Okay lang ako." mabilis kong sagot sa kanya sabay hawi ng kamay nya para hindi na nya ako mahawakan pa.
"Okay?" para bang naguguluhan pa nyang sagot. "Ano bang nangyari sayo? May sakit ka ba?" tanong pa nya.
"Napaka chismoso mo talaga eh noh." pagtataray kong sagot sa kanya. Kita na kasing nahihirapan akong huminga eh. Tanong pa ng tanong. "Bumaba ka na nga lang sa lobby. Itanong mo sa guard kung meron silang emergency light." utos ko sa kanya.
"Bakit naman?" pagtatanong pa nya.

Tiningnan ko sya ng masama. Napaka atribido talaga!
"Dahil mamamatay ako sa dilim." matigas kong sagot sa kanya.

*

Pawisan syang paakyat ng hagdan mula sa lobby. Dahil kasi brownout, hindi na nagana ang mga elevators.
"Ano?" tanong ko patungkol sa emergency light na inutos ko sa kanya.
"Wala daw sila eh. Lahat daw kasi installed na sa buildings. Eto flashlight lang meron." itinaas nya ang kanan nyang kamay hawak ang itim na flashlight.

Napabuntong hininga ako."Hindi yan pwede eh. Hindi ba nila pwedeng pailawan yung unit ko gamit ang generator ng building? Kahit yung ilaw lang? Sinabi mo bang emergency?" tanong ko sa kanya.
"Bakit? Emergency ba?" tanong nya ring sagot.

Inattempt ko syang batukan pero hindi ko lang natuloy dahil nakaiwas sya.
"Tanga ka? Hindi ba obvious sayo na emergency tong nangyayari satin." isa't kalahati nga naman tong lalaking tong tanga din. Parang kung di pa literal na sasabihin, di pa nya talaga magegets.
"Hindi eh. Alam mo, kung sasabihin mo sakin kung ano ang nangyayari sayo. I'm sure mas matutulungan kita." seryoso nyang sagot. Naoffend ata nung sabihan ko sya ng tanga.

Pero hindi ako nagpatalo sa painis inis pa nya kunwaring attitude.

At dahil mukhang hindi nya talaga magegets kung di ko sasabihin ng literal. Fine. Sasabihin ko sa kanya tutal, kailangan ko rin naman ang tulong nya ngayon.
"May nyctophobia ako." diretso sa mga mata nyang sagot ko.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon nya. Agad iyong naging pagtataka.
"Ano yon?" tanong nya.
"In layman's term, may fear of darkness ako. At hindi lang yon simpleng uri ng takot. Para sakin, pwede ko yon ikamatay." sagot ko sa kanya.

**

Hello Awesome readers out there!

Update para sa inyong lahat.

Hindi ko pa sure kung last chapter na next chapter ng bagyo experience nila pero let's see. Hope you enjoy this chapter.

Inasahan nyo bang may ganitong klase pala ng phobia si Jess?

Kayo, may phobia ba kayo for anything? Mahirap yun noh.

Ano sa tingin nyo ang gagawin ni Ash?

Again, maraming salamat sa pagbabasa ng chapter na ito.

Please VOTE kung nagustuhan mo ang chapter na ito.

Please LEAVE A COMMENT for anything about the story.

Thanks!

MsRedMonster,

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now