Hater 11: Hands, the sexiest thing about men.

5.1K 141 9
                                    

“Hahahahahaha!!!” patuloy ang hindi ko mapigilang tawa habang nakatingin sa nakasimangot na si Asher. “Try mo umikot, bilis!” pinaikot ko pa ang daliri ko para imotion sya na umikot.

“Hay, may pagka sadista ka pala.” Nakasimangot nyang buntong hininga sabay umikot naman sya.

Lalong lumakas ang pagtawa ko. “Buwahahaha! Umikot ka naman! Ah uto uto! Haha!” tukso ko sa kanya.

Lalong pumapanget ang mukha nya sa kakasimangot. “Wala na bang iba? Mukha akong baklang espasol dito.” Reklamo nya habang hinihila ang damit na pinasuot ko sa kanya. Isang white fit sweat shirt at black jogging pants. Lahat lang sobrang fit ang dating sa kanya dahil sa malaking build ng katawan nya.

Naisip ko kasi, dahil nandito sya sa unit ko, edi syempre kailangan komportable ang suot nyang damit. Eto naman ako’t nagmamagandang loob, syempre, pinahiram ko sya ng damit. Ang kaso…bakat ang lahat lahat nya. Mula ulo hanggang paa, pati gitna. Yes, pati gitna. Kaya nga kanina pa nya yon kinocoveran. As if naman. Wala yung effect sa akin. Nakakatawa nga lang ang itsura nya. Hahaha!

“Wala na akong ibang damit. Yan na ang pinaka malaki. Buti nga may malaki pa. Sa totoo nga, gagawin ko dapat yan na basahan eh.” Mapanukso kong sagot sa kanya.

“Ano? Basahan to?” gulat nyang tanong. Lalo tuloy akong natawa.

“Hindi. Muntik na pero hindi pa. Bago yan.” Pagbibigay kong assurance sa kanya. Totoo naman yun, buti nga meron pa akong ganun. Nasa kasulok sulukan yun ng cabinet ko. Aba’t akalain ko nga namang magagamit ko pala yun.

“Haynako.” Pabuntong hininga nyang bulong. “Tara na nga. Magluto ka na para makakain na tayo.” Naglakad na sya papunta sa kusina para mangialam dun.

Tumayo naman ako para pigilan sya syempre. “Magbukas nalang tayo ng Spanish sardines. Magsaing, tapos okay na yun” sagot ko sa kanya habang kinukuha ang lata ng sardinas.

“Iimprovise mo naman.” Suhestyon nya kasabay ng pagkuha nya sakin ng delata.

“Anong improvise ka jan. Ang demanding mo ha. Nasa bahay nyo? Okay na yan.” Sinubukan kong kunin sa kanya ang lata pero iniwas nya yun sa akin. Sige na, sya ng matangkad.

“Gawin nating…pasta for example.” Tinaas taas pa nya ang kilay nya.

“At pano naman natin yan gagawing pasta?” tanong ko sa kanya na puno ng pandududa. “Eh wala naman tayong pasta noodles.” Dagdag ko pa.

“Akong bahala.” Buong tiwala sa sarili nyang sagot sa akin.

*

Apat na pancit canton ang binuksan nya para gawing pasta noodles ang mga noodles nun. Dalawang Spanish sardines para sa sauce na hinaluan nya ng konting fresh milk, konting tomata sauce, seasoning at kung ano ano pang ingredients na kinuha nya sa kusina ko. Design ko lang yun para mukhang maraming laman ang kusina ko. Hindi ko naman yun nagagamit.

Nakatayo lang ako sa tabi nya habang sabay nyang niluluto ang sauce at ang pasta. Aba’t marunong palang magluto ang lokong to. Ewan ko nga lang kung magaling dahil wala pa namang lasa.

“Jessie, ipaghiwa mo naman ako ng kamatis at sibuyas.” Utos nya sa akin kasabay ng pagmotion ng bibig nya para ituro kung nasaan ang kamatis at sibuyas, another design lang sa kusina.

Kasama ang isang buntong hininga, kinuha ko ang salaan, kutsilyo at kamatis at sibuyas. Inumpisahan kong ilagay ang kamatis muna para mahiwa. Napatigil ako ng biglang biglang isang pares ng kamay ang nasa buhok ko.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon