Hater 9: Asher Calleja at my condo unit.

5.7K 155 13
                                    

Advertisement.

Bukod sa pagpapractice nya ng pagsasalita on air at pakikipag usap sa mga katulad nyang virus, kailangan din naming gumawa ng mga advertisement paraphernalias para makaencourage parin kami ng mga tao na makinig at sumali sa bago naming program. At para malaman na rin nilang may bago kaming on air program.

Kapag late yun ng kahit 5 minutes, babatukan ko yun.

At dahil mukhang may himala ngayong araw, aba’t akalain ko nga namang 3 minutes lang late si lalaki

. Akalain nga naman.

“Jessie!” tawag nya habang nasa dulo ng parking lot. Patakbo syang pumunta sa akin habang may malalaking ngiti. Ano namang nginingiti ngiti ng lalaking to..

“Jessica.” Matigas at matatalim na tingin kong sagot sa kanya ng makarating na sya sa kinatatayuan ko.

“Haha! Pareho lang yun.” Sagot nya sa akin. “Eto ba yung sasakyan mo?” tanong nya kasabay ng pagturo nya sa gray roadster Mercedes Benz ko.

“Oo. Sumakay na tayo.” Sagot ko sa kanya kasama ang isang roll eyes. Kinukuha ko ang susi ng sasakyan ko sa bulsa ng navy blue maong pants ko ng magtanong sya.

“Okay lang ba sayo na ikaw ang magdidrive? Pwede naman tayong dun sa sasakyan ko nalang. Mas komportable ako kung ako ang mag didrive since ako ang lalaki.” Pananalita nya. Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya.

“Ayoko nga. Dito nalang tayo sa sasakyan ko.” mabilis kong tanggi sa kanya.

“Bakit naman?”  nagtataka nyang tanong.

“Dahil sa itsura mo, halata namang kakarag karag na sasakyan ang dinadala mo dito sa school at hindi pa ako handang mamatay. So, dito nalang.” Sagot ko sa kanya. Minamaliit nya ata tong Mercedes Benz ko porke’t maliit lang ang itsura nito. Baka naman yung sa kanya wala din lang..

“Ouch you hurt my feelings Jessie.” Pagkukunwari pa nyang hinawakan ang dibdib nya. Lumalabas ang pilit nyand dimples sa gilid ng bibig nya kapag pilit syang ngumingiti. Sakin pa nagpacute ang loko, di naman ako tinatablan. “Sige na nga, jan nalang.” Pagsang ayon na rin nya kasama ang mapanlarong mga ngiti.

Siniringan ko nalang sya at pareho na kaming sumakay sa sasakyan ko.

Habang nasa byahe, hindi ko mapigilang mapasulyap kay Asher. Habang eto kasi ako at nagdidrive, sya naman, nilabas nya ang kulay blue nyang ipod shuffle at pink headset at sinalampak yun sa tenga nya. Hindi ako nagpapatugtog sa sasakyan habang nag didrive. Sapat na ang kaunting ingay ng aircon para hindi ako mabingi sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Ayoko naman kasing madistract ng malalakas na kanta habang nag didrive.

Sa buong byahe, nakikinig lang si Asher sa malakas na music na naggagaling sa ipod nya. Well, masasabi ko na hindi match ang pink nyang headset sa kulay blue nyang shirt at puting pants. At some point, mukhang bakla ang dating nya sa mga kulay na yon kapag pinagsama sama.

Matapos ang 30 minutes na byahe. Nakarating na rin kami sa condo building ko. Hindi kami pwede gumawa ng advertisements sa café dahil maingay. Hindi rin naman pwede sa library dahil masyado namang matahimik. Hindi naman pwede sa school dahil ayoko namang madistract ng mga lecheng linta na mga couple na nagkakainan sa gilid gilid ng university kapag gabi. Hindi daw kami pwede sa bahay nya dahil may tao daw dun, next time nalang daw. At dahil wala naman akong choice, sige na, dito nalang sa condo ko.

Habang nasa elevator kami paakyat sa 10th floor kung nasan ang unit ko, hindi ko napigilang manukso sa kanya.

“Nice Pink Headset.” Bulong ko in a singsong tone.

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now