Hater 5: One Huge Revelation

6.5K 213 22
                                    

Bernadette Pascual on the side >>>

**

“I-ikaw si Jessica Misteryo?” gulat at nauutal nyang tanong.

“Tanga ka? Pupunta punta ka dito, hindi mo naman pala kilala kung sino yung hinahanap mo.” Mapang asar at inis kong sagot sa kanya. Leche sya. Nagbabalik pa tuloy ngayon sa akin yung pagiging manyak nya tapos ngayon, para syang gago na nag eeskandalo dito. Akala naman nya, worth it sya sa ganung atensyon.

“E-eh kasi…” nagpalinga linga pa sya sa paligid, sa mga taong nanonood sa amin. “Ikaw yung walanghiyang babaeng nagsabi sa girlfriend ko na hiwalayan ako. Bakit ka kasi nangingialam?” medyo itinaas nyang muli ang boses nya. Pasikat ang dating. Akala naman nya, bagay sa kanya.

“Bakit? Sino ba yang nagkamaling babaeng sinasabi mong girlfriend mo?” taas kilay kong tanong sa kanya. Ang ugok na to may girlfriend? Langya! Malaking pagkakamali para sa babaeng yon. Goodluck ng malaki.

“Si Jackelyn Santos. Tumawag sya sayo ilang araw na ang nakakaraan. Dahil dun, hiniwalayan nya ako. At para sabihin ko sayo, seryoso ako sa kanya.” Diretso at matigas nyang sabi na parang sincere sya. As if!

“Alam mo, you might be offended by this pero hindi ko na talaga maalala kung ano ba yang tinawag ng girlfriend mo sa akin. Regardless of what it is, I am sure na sasabihin ko paring hiwalayan ka nya, lalo ng alam kong ikaw pala yan. Bakit, kinuwento mo ba sa girlfriend mo na nagyayaya ka ng one night stand to random girls na nakakasabay mo lang sa elevator?” mapanukso kong tanong sa kanya habang may mapang asar na mga ngiti.

Sumulyap ulit sya sa paligid na para bang nahihiya sa ibinunyag kong ugali nya, o habit, I don’t care basta manyak sya. Yayain ba naman nya ako ng sex noon. Kadiri lang!

“Hindi yon kasama sa pinag uusapan natin ngayon.” Bulong nya.

“Oh? Bakit naman hindi?” tanong ko ng may mas malakas na boses para lalo syang mapahiya. “Trust, Honesty, Faithfulness, dun palang wala ka na nun sa kanya. Tapos sasabihin mo sa akin ngayon na seryoso ka sa kanya, tang ina lang, lokohan tayo?” dagdag ko pa. Sa bwiset ko sa lalaking to, hindi ko na mapigilang makapagmura.

“Wala kang alam sa relasyon namin.” Sagot parin nya na parang may pag iinsist talaga na kasama.

“O edi sabihin mo lahat ng kabalastugan mo sa girlfriend mo o ex-girlfriend mo saka ka bumalik para mabigyan ko ulit sya ng advice…na wala ka ng pag asa ever sasagot pa sana sya pero may mga dumating ng mga guwardiya para patigilan na ang komosyon. Ang kapal na kasi ng mga nanonood na tao. Mga chismoso din talaga.

Dinala sya paalis ng mga guwardiya sa labas ng studio saka unti unting nawala ang mga tao. Kami naman, pumasok na kaming muli sa control room.

“So, pang ilan na nating eskandalo yun Jess. Sa susunod kasi, hinay hinay lang sa mga negative comments.” Pagbibigay ng sermon ni Aden.

“Kung alam nyo lang kung gaano kamanyak yung lalaking yon, siguradong mandidiri kayong kahit tingnan lang sya.” naka cross arms kong sagot sa kanya, sa kanila na nakikinig lang sa akin.

“Osha, mamaya nalang natin pag usapan to pagkatapos ng klase namin. Alis muna kami para makapasok sa class.” Pabuntong hiningang paalam ni Bernadette. Mukhang na stress din sa komosyon kanina.

“Ako din.” tipid na dagdag din naman ni Mikaela.

“Sige, ako ng bahala dito.” Sagot ko naman sa kanila.

Naiwan kaming dalawa nalang ni Asher dito sa studio. Kahit may ganung klase ng komosyon na nangyari, kailangang matuloy parin ang orientation nya.

“Okay ka pa for orientation?” tanong ko sa kanya kasabay ng pareho naming pag upo sa sofa dito sa control room.

“Oo naman.” Tipid nyang sagot habang may mga kakaibang tingin sa akin.

Magsasalita na sana ako para iexplain sa kanya ang mga kailangan nyang tandaan na gagawin para sa organization namin pero sobrang nabagabag naman ako sa mga tingin nya. Para syang babae na may isang malaking paghihinala. Yung tingin nya kasi, mula ulo hanggang paa.

“Ano ba yang gusto mong sabihin? Sabihin mo na bago tayo magsimula.” Pananalita ko sa kanya.

“Huh?” naguguluhan pa nyang tanong.

“Kung makatingin ka jan. Para akong salot na ipis na gusto mo ng tirisin. Ano ba yang gusto mong sabihin? Sige, kahit masasamang salita okay lang sa akin.” Relax at nakacross arms kong tanong sa kanya. I am confident with anything and everything. Immune nga ata ako sa mga masasakit na salita. Hindi tumatalab sa akin yan kaya okay lang.

Ilang segundo muna syang nakakunot noong tumingin sa akin saka bumuntong hininga at nagsalita.

“Sino ba sya?” tanong nya.

“Sino?” naguguluhan kong tanong. “Yung lalaki kanina sa labas?” tanong ko rin tuloy sa tanong nya.

“Hindi.” Pailing nyang sagot. “Sino ba yang lalaking nagpaiyak sayo at ganito ka ngayon.” Pag cclarify nya ng tanong nya.

Ilang segundo ko pa muna syang tiningnan. Naguguluhan parin ako sa tanong nya. Medyo mabagal na pinrocess ng utak ko yung tanong nya.

“Akala mo ba nagka boyfriend na ako?” tanong ko ng malinawan ako sa tanong nya.

“Ang ibig mong sabihin hindi ka pa nagkakaboyfriend?” gulat at nanlalaking mata nyang tanong. “NBSB? Single? Virgin? Never ever?” sunod sunod pa nyang tanong.

Napasarcastic na tawa ako sa kanya. “Ano namang tingin mo sakin? Pumatol sa virus na katulad mo? No way!” sagot ko sa kanya na diring diri sa iniisip nya. Eew! Mamamatay akong single sa buong buhay ko kesa magka boyfriend.

“Talaga? Grabe, bakit?” gulat parin nyang pananalita. “I mean, hindi ko lang maintindihan. You are a babe. Paanong hindi ka pa nagkakaboyfriend?” tanong nya na puno ng curiosity.

“Dahil inborn na ang ugali ko.” seryoso at diretso kong sagot sa kanya.

“Okay naman ang ugali mo ah.” mabilis nyang sagot na parang dumedepensa pa.

Napasmirk ako sa kanya. “Akala mo lang yun. Nasa 30% ka palang ng ugali ko. May reserba pang 70%.” Dagdag ko pa na parang proud na proud ako.

Imbis na mainsulto, napangiti sya at mahinang napatawa. Nagtaka naman ako sa kanya. Ano ba yun iniinsulto ba nya ako.

“Anong tinatawa tawa mo?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko.

“Wala lang. Naisip ko lang, I will be enjoying teaching you how to fall in love.” Nakangiti nyang sagot na parang puno rin ng confidence.

“Ha! In your dreams.” Paroll eyes kong sagot sa kanya.

**

Hello Awesome Readers!

Update para sa lahat.

Kamusta naman ang revelation ni Jess na never pa syang nagkakaboyfriend. Akala nyo siguro may paghihiganti sya sa ex nya kaya sya ganyan noh? Well, hindi yun ganun.

Abangan nalang sa susunod na update ang continuation ng paguusap nila ni Ash.

Thank you sa pagbabasa!

Please VOTE kung nagustuhan mo ang chapter na ito.

Please COMMENT for any thoughts about the story.

Love and Peace.x.

MsRedMonster

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon