Hater 34: Love experts

4.6K 110 9
                                    

Ilang lakad lang ng makalabas kami sa bahay nila, binitawan ni Asher ang kamay ko. Ilang hakbang syang naglakad din mula sa akin kaya likod lang nya ang aking nakikita. Nakailang buntong hininga sya at napakahabang minutong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.

Wala akong nagawa kundi ang magmasid. Hindi ko nagawang magtanong agad sa kanya kung sino ba ang lalaking yon kanina. Hindi ako nagtanong kasi, ayoko rin talaga ang nakikialam sa mga bagay bagay, lalo na usapang tunay na buhay.

Kung pesteng love story lang, okay lang. Nag aadvice lang naman. Pero kung yung pangkalahatang buhay na, masyadong komplikado. Ako nga, kahit ako hindi ko rin maintindihan ang takbo ng buhay ko. Makikialam pa ba ako sa ibang tao. Okay na yung mga pesteng love life nila. Sapat na yun sakin.

"Ah," lumingon si Asher sa akin. Mukhang ngayon nalang nya ulit naalala ang presensya ko. "Pasensya ka na dun. Nakakahiya, nakita mo pa yung ganun." 

"Psh, wala yun." Tugon ko sa kanya.

"Tara, lakad tayo." Yaya nya kasama ang marahang mga ngiti.

Tumango ako. Nagumpisa syang maglakad palayo sa bahay nila.Sumunod naman ako. Ano bang pinagdaraanan ng lalaking to?

Suot ang kanyang gray jogging pants at gray sweat shirt, mukhang kanina parin sya nag tumatakbo bilang exercise. Mukhang pagod na ang katawan nya at kailangan na ng pahinga. Pero, bakit parang pagod ang presensya nya? parang ang dami nyang iniisip na hindi naman nya gustong sabihin sa iba.

"San ka nag park ng kotse mo?" napatingin ako sa kanya ng bigla syang magtanong.

"A-ah, jan  lang sa bakanteng lote malapit sa gate nyo. Bakit?" tanong at sagot ko sa kanya.

Tumingin sya sa akin, saka ngumiti. "Pasabay ako ah. Balik na tayo." Tapos, tumingin ulit sya sa kalsada at patuloy na naglakad.

Naramdaman ko yun. Yung mga ngiti ni Asher na akala mo masaya pero, pilit naman. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na ako na ang taong may pinakamadaming sikretong tinatago. Gustong gusto ko yun eh, yung mansikreto. Yung kakaibang feeling na may alam ka na hindi alam ng iba. Ang sarap kaya ng pakiramdam ng ganun. Para sa akin, may advantage ako kumpara sa iba.

Hindi ko alam, may ganun din pala si Asher. Naalala ko tuloy yung araw na nalasing sya sa unit ko. May tinatawag syang pangalan. Siguro, nanay nya. Ano nga kayang meron dun? Hindi ko naman magawang magtanong kasi baka maoffend sya, napaka unpredictable pa naman nya. Baka mamaya, mabadtrip na naman, tapos, magalit sa akin. Ayoko naman ng ganun.

Tsaka, kaya nga sikreto di ba. Kasi, may dahilan ka kung bakit ayaw mong malaman ng iba. Kung ako ang nasa posisyon nya, siguro maooffend din ako kung may magtatanong tungkol sa sikreto ko. Yung sikreto lang naman kasi ang gustong malaman ng mga tao, hindi yung dahilan sa likod nito.

"Jessie." Napatingala ako ng biglang tawagin ni Asher ang pangalan ko.

"Ha?" tanong ko naman.

"Sabi ko, akin na yung susi. Ako na ang magdidrive." Sagot nya habang nakalahad ang kanyang kamay.

"Ah, ah." napatango ako saka mabilis na kinuha ang susi ng sasakyan ko sa aking bulsa. Nandito na pala kami sa bakanteng lote kung saan ko pinark ang aking sasakyan, hindi ko man lang namalayan. "Eto oh." Inabot ko sa kanya ang susi saka kami naglakad pareho papunta sa kotse. Sya sa driver's seat, ako sa passenger.

Neutral lang ang ekspresyon ng mukha ni Asher habang inaayos ang distansya ng upuan nya mula sa manibela. Hindi ko mabasa kung galit ba sya o hindi. Inistart nya ang kotse ng hindi ko alam kung magtatanong ba ako o hindi.

"Sya ang daddy ko." bigla akong napatingin kay Asher ng bigla syang magsalita. Tuwid lang na nasa daan ang mga tingin nya. 

"Ha?" tanong ko ng hindi naman naiintindihan ang ibig sabihin ng mga sinabi nyang yon.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon