Hater 30: The Ultimate question

4.5K 126 14
                                    

Nakaramdam ako ng kamay na patuloy na humahawi sa buhok ko. Isang malambot at basang tela din ang nakapatong sa aking noo. Ilang segundo pa, nakaramdam naman ako ng isang malambot at basang bagay ang dumadampi sa labi ko.

Gusto kong gumalaw at hawiin yun. Kung ano man yun, pero, hindi sumunod ang kamay ko at patuloy itong naging matigas.

Gusto ko ring makita kung ano ba ang nangyayari pero, hindi ko nagawang tuluyang imulat ang aking mata. Bago ko pa man ipilit ang lahat, nakaramdam na ako ng matinding paghigit sa akin para tuluyang makatulog.

*

Nagising ako sa isang mainit na paligid. Maliwanag ang ilaw na nakasindi sa tapat ng aking mukha. Pero, Malabo pa ang tingin ko sa liwanag kaya kumurap kurap pa ako para makita yun ng maayos.

Hinawi ko ang puting bagay na nakapatong sa noo ko. Dahilan kaya hindi ko rin makita ng maayos ang ilaw ay dahil masyado itong malapad sa noo ko at natatakpan na ang kalahati ng aking mata.

Tiningnan ko kung ano ang bagay na yon, isa palang puting goodmorning towel. Basa ito at mainit init. Tiningnan ko ang paligid ng kwarto ko. Parang may nagbago. Ewan ko ba, mukhang mas malinis.

Sa isang sulok din ng kwarto ay may heater fan, kaya siguro medyo mainit ang paligid. Napakunot noo ako. Saan naman galing yun? Wala naman akong ganung kagamitan.

Napatingin ako sa aking side table. Nakalagay ang mga gamot na binigay ni Maureen. Meron ding isang pitsel ng tubig at baso. Sa pagkakita ko nun, agad akong nakaramdam ng uhaw at inabot at pitsel at baso para makainom ako ng tubig.

Mahina pa ang katawan ko pero kaya ko na. Unti unti ng umaayos ang pakiramdam ko. Nilasap ko ang maligamgam na tubig na gumuguhit sa aking lalamunan. Napakasarap ng tubig na to. Grabe, ngayon lang ako nasarapan sa tubig.

Tinanggal ko ang kumot na nakapatong sa paibabang kalahati ng aking katawan. Sinubukan kong tumayo mula sa kama at napangiti naman ako ng magawa ko yun ng maayos at walang panghihina.

Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid ng aking kwarto at patuloy na nagtataka sa kakaibang aura na pumapalibot dito. Naibaling ko ang ulo ko sa kaliwa. Ano bang nangyari? Bakit parang kakaiba? Bahala na nga, mamaya ko nalang iisipin kung ano man yun. Gusto ko munang maghilamos.

Binuksan ko ang glass na pinto ng aking banyo at doon...

Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Literal akong napanganga. At ilang segundong bumaba taas ang aking mga mata sa kanyang...

"Ahhhhhhh!!" matinis na boses kong sigaw ng marealize ko kung ano ang tinitingnan ko. Agad akong napatakip sa aking mata at napatalikod sa kanya.

"Hoy Asher Calleja! Anong ginagawa mo dito sa unit ko! Ha?" sigaw ko sa kanya ng nakatalikod.

Hindi ko nakuha ang mabilis na sagot na hinahanap ko.

"Ho-" sisigawan ko ulit sana sya at tatanungin ng mapatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman ko sya sa aking kanan.

Sa ilalim ng toothpaste na nasa loob ng bibig nya, sumandal sya sa bukas na pinto at kinausap ako.

"Okay ka na? Bakit ka tumayo?" tanong nya ng napaka natural lang.

Napatingala ako sa kanya. Ang maputi at makinis nyang mukha ay medyo may manipis nab albas ngayon. Mukhang hindi pa sya nakakashave. Infaireness, yung bad boy type na itsura, bagay din pala sa kanya.

Napababa ang tingin ko sa kanyang katawan. Oh my god. P-p-paano sya nagkaron ng ganito ka well-toned na katawan? N-Nag ggym ba sya? Six pack abs. Hindi ko pa nahahawakan pero itsura palang parang matigas pa sa semento.Hindi ako fan ng mga lalaking may malalaking katawan, yung sobrang laking parang wrestler. Kaya, nakakamangha makita na matigas ang dating ng kanyang katawan pero hindi sobra sobra. Oohh...meron pala sya nun?

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now