Hater 27: Words she can't tell

4.2K 105 5
                                    

"Bakit ka ba nagkaganyan?" tanong nya sa isang mababa at malalim na boses.

Hindi ko alam kung bakit parang nanahimik ang lahat. Nakita ko kung paanong nagtinginan sila Charles, Bernadette, Mikaela at Aden sa tanong na yun ni Asher. Naghihintayan kung sino ang sasagot.

Kakaiba si Asher. Meron syang kakaibang aura na kapag nagbago ang timbre ng boses nya, kapag hindi ka na nya nginitian at kapag seryoso ka nyang tinanong, kailangan, seryoso mo rin syang sasagutin. Walang halong biro.

Siguro, dahil sa nasigawan na nya rin ako nung nakaraang araw lang kaya pamilyar na ako sa aurang yun.

"Uhm.." tiniyak ko munang maayos ang lalamunan ko. Para kasing nag dry na naman ng dumating sya. "Nagkaron kasi ng konting aksidente. Pero ok naman na ako." awkward kong ngiti at sagot sa kanya.

"Alin? Yung sinasabi ni Berns na magnanakaw?" tanong at tingin nya kay Bernadette habang nagsasalita.

"Oo yun nga." Mabilis na suportang sagot ni Bernadette kasama rin ang pilit na ngiti.

"Nagkakagulo sa dean's office dahil dun. Hindi daw pera kundi test papers daw ang sinubukang kunin ng kung sino." Pang iinform nya sa amin. Mataas ang tindig ng tayo nya na para ba syang eksperto sa nangyayari. Tapos, ibinalik nya sa akin ang atensyon nya. "Hindi ko alam na kasali ka na naman pala dun." Bulong nya na para bang napaka lapitin ko ng gulo. "Akala ko ba marunong ka ng karate? Bakit hindi mo naprotektahan ang sarili mo?"

Napakagat ako sa aking labi. Tsk. Nasabi ko lang naman yun nung nakaraang araw kasi, gusto kong magrason sa kanya. Nag aral naman ako ng self defense. Pero hindi karate. Shadow boxing lang naman yun kasama ang sarili ko. Sinusubukan ko kung paano gawin yung mga suntok suntok sa tv.

May malakas akong kamay at mabilis na panipang paa kaya yun ang ginagamit ko pang self defense. Pero kung tunay na pinag aralang karate, psh, hindi ko yun ginawa.

"Ah , o-oo nag aral ako ng karate." Sagot ko. Hindi naman nya malalaman kung hindi ko sasabihin. "Pero, masyadong mabilis ang nangyari kaya hindi ako nakaganti. Alam mo na, mga lalaki-"

"Katulad na nga ng sinabi ko sayo na hindi mo kaya ang sarili mo." Nakacross arms nyang pagsingit sa pananalita ko. At nandun parin kami syempre, dun parin sa kinagagalit nya. Move on naman! Hindi maka move on?

Napasiring ako sa kanya. Masyasong magaling rumason.

"Ehem. May tao pa dito." Napatingin naman kami pareho ni Asher sa pagkukunwaring ubo ni Mikaela. Nagpipigil naman na ng tawa yung tatlong iba pa. Mga ugok na to. Ano naman kaya ang iniisip nila?

"Anyway, sabi ni Ms. Nurse, wag mo daw kalimutan inumin to." Pag iiba ni Charles sa usapan at pag abot nya sa akin ng isang malinaw at maliit na boteng natatakpan ng packing name ang laman sa loon. "Pain killer yan kung sakaling sumakit yung balikat at ulo mo." Pagpapatuloy nya.

"Tsaka, kung sakaling hindi ka pa okay sa Monday, kahit wag ka na munang pumasok sa club natin." Nakangiti namang dagdag din ni Aden.

"Psh. Syempre okay nako sa Monday." Sagot ko sa kanya. Linggo bukas, nasakto pang makakapagpahinga ako kaya paniguradong okay na ako sa Monday.

"Kung sakali lang naman." mabilis na dugtong ni Aden

"So, pwede na ba tayo umuwi?" tanong ni Charles habang magkahawak ang kanyang mga kamay. Halatang atat na syang umuwi. "Jess, sabay ka na naman ni Berns pauwi para-"

"Ako nalang ang maghahatid sa kanya." Napatingin ang lahat kay Asher sa mabilis nyang pananalita. "Wala naman akong ibang pupuntahan kaya ako nalang." Pagpapatuloy nya kasama ang maliit na ngiti. Sapat lang para sabihin na may rason sya para ihatid ako.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon