Hater 35: I surrender

3.4K 104 2
                                    

"Ms. Jessica, naexperience nyo na po ba ang love?" tanong sa akin ni Joy, isang caller mula sa College of Arts.

Medyo napaisip ako.

"Hm, hindi ko alam." napangiti ako. "Hindi rin talaga ako sigurado. Pero, iassume nalang natin na hindi." ayoko munang pangunahan ang mga nararamdaman ko, dapat, mabagal lang. Take it slow, sabi pa nga n Bernadette.

"Lagi po akong masaya kapag naiisip ko si Ferdy. Kahit hindi kami magkasama, lagi ko syang naiisip. Matutulog na nga lang ako, mapapangiti pa ako dahil naaalala ko sya. Hay, ang sarap po palang magmahal Ms. Jessica." pagkekwento nya.

Napangiti ako at napailing. Habang nagkekwento sya, hindi ko mapigilang mapaisip, ganun din kasi ang nararamdaman at ginagawa ko. Parang tanga lang, bigla bigla nalang ako ngingiti mag isa habang iniisip si Asher. Hay leche, ano bang pinakain sa akin ng lalaking yon at ito ang nararamdaman ko sa kanya.

"Siguro nga, ganun yun." simpleng sagot ko sa kanya. Hindi ko magawang kumontra. Shet naman kasi, yun din ang nararamdaman ko.

"Pero, paano po kung saktan lang nya ako? Baka, hindi ko kayanin." pag aalangan ni Joy. "Sobrang mahal ko sya. Paano kung hindi pa kami ang pang forever?"

Napaisip ako. Oo nga. Paano nga naman kung hindi pa sila ang sa isa't isa.

Kami din. Paano kung hindi pa kami? Paano na?

Pero napangiti muli ako. Ah hindi, si Asher yun. Hindi nya yun magagawa sakin. Loyal sya at kilalang kilala ko. Hindi mangyayari yun. Malayo sa katotohanan.

"Magtiwala ka lang sa kanya. Mas kilala mo naman sya kesa sa kung sino pa di ba." nakangiti at buong tiwala kong sagot sa kanya kahit hindi nya ako nakikita.

May nagbago sa akin. Alam kong may nagbago sa akin. Dati, para sa akin, masaya ako. Alam kong masaya naman ako.

Gustong gusto ko yun. Yung mag isa. Yung walang kasama at hindi pinapakialaman ng kahit na sino.

Pero, nalaman ko na yung akala kong saya na nararamdaman ko. May isasaya pa pala.

Ito ba yun? Yung sinasabi daw nilang kakaibang saya kapag...kapag...kapag inlove ka? Kahit anong pag dedeny. Kahit anong pagtanggi. At kahit na anong pagmamaang maangan. Aaminin ko na. May espesyal nga akong nararamadaman para sa kanya. Para kay Asher Calleja.

Kakaibang glow, kakaibang spark, at kakaibang happiness. Kahit kailan hindi ko inakalang mararamdaman ko ito.

Dahil kahit kailan, hindi ko inakalang magmamahal nga ako.

"Ugh, sige na. Please, please. Sumama na kayo sakin sa Batangas." pagmamakaawa ni Mikaela sa amin ni Bernadette.

"Ayoko. Period." sagot ko sa kanya ng hindi tumitingin at nag tytype lang ng aking reaction paper sa isang subject. Hindi ko naipasa dahil nagkasakit ako. Buti nalang, binigyan pa ako ng chance para gawin pa ito at maipasa.

"Berns?" tanong ni Mikaela kay Bernadette.

"Eh kasi..." pag aalangan nito.

"Sumama ka na!" pamimilit muli nya.

"Ayoko naman na mag isa lang na namang pumunta sa inyo noh. Nakaka intimidate kaya ang papa mo." sagot ni Bernadette. Sumama na sya kay Mikaela isang beses sa batangas bilang isang linggong bakasyon sa pagtatapos ng unang semester. Hindi maganda ang naging experience nya kaya ayan, ayaw ng bumalik.

"Hindi na. Nagbago na sya." mabilis na sagot naman ni Mikaela.

"Ayoko. Pag pumayag si Jess, sige, sasama ako." napasulyap naman ako sa kanila. Nagtagpo tagpo ang mga mata naming tatlo sa pananalita na yun ni Mikaela.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon