Hater 14: Squad goals

5K 129 8
                                    

Dalawang araw matapos ng nakakahiya at nakakapuzzle na pagtulog namin ni Asher sa fire exit, nakapasok na ulit kami sa university. Hindi naman na nagtagal pa ang pagsasama namin ng lalaking yon dahil kinabukasan matapos yung sa fire exit, nakauwi na rin sya dahil humupa na ang ulan at nagka kuryente naman na sa condo ko.

Buti nalang talaga.

Ngayong araw na ang general meeting namin para sa launching ng bagong format namin for radio broadcasting. Nakakuha na kami kay Dean ng permission na umere ulit. Last chance na daw namin bukas. Imomonitor daw nya kung something worthwhile daw ang nagawa namin at hindi na magca cause ng gulo. Wish nya lang.

Habang naglalakad papunta sa broadcasting studio, napatigil ako ng bigla bigla akong makakita ng isang lalaking tinulak yung babae. Hindi naman sobrang lakas pero sapat lang para mapahakbang sya patalikod at mapasandal sa pader. Dahil may pagkalutang ang utak ko pagpasok ko palang ng gate ng university, hindi ko na napansin sa malayo palang ang ingay nila.

Umiiyak yung babae habang mukhang galit na galit naman yung lalaki.

Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Gusto na kasing umalis nung lalaki samantalang habol naman ng habol yung babae habang umiiyak. Ano ba yan, ang pathetic naman tingnan netong babaeng to.

Tiningnan ko lang sila at maglalakad na sana palampas sa kanila ng unang hakbang palang ay nanlaki na ang mata ko. Inambahan kasi nung lalaki yung babae, parang sasampalin nya o sasapukin ba. Basta inambahan nya.

"Hoy!" agad kong naisigaw dahilan para mapatigil yung lalaki sa attempt nyang sampalin o sapukin yung babae. Pareho silang napatingin sa akin. "Wag mong gagawin yan. Ipapakulong kita ng abuse to women! Lalaki ka ba o bakla? Bakit ka nananakit ng babae, huh?" sunod sunod kong sigaw sa kanya. Loko loko tong gagong to ah.

Napasarkastikong ngiti yung lalaki. "Teka Ms, sino ka ba? Bakit ka ba nangingialam dito?" mayabang nyang tanong.

"Pakialam mo ba kung sino ako." pilosopo kong sagot sa tanong nya. "Eskwelahan to at hindi palengke kaya wag mong ipangalandakan yang mabaho mong ugali!" sigaw ko sa kanya.

Halatang nagalit lalo yung lalaki dahil sa mga sinabi ko. Nagbulungan yung mga tao sa paligid. Patuloy ang takot sa mga mata nila pero wala kahit isa, babae man o lalaki, ang nakikisali o pumipigil sa lalaking to.

Sarkastiko syang ngumiti at mabagal na naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Yung babae sa likod, pinigilan nya yung lalaki pero tinulak lang ulit nung lalaki yung babae pabalik sa pwesto nya.

"Wag kang makialam dito." Matigas nyang bulong ng makatayo sya sa harap ko.

Napacover ako sa mukha ko at napatiklop ng makita kong ako naman ang pinagtaasan nya ng kamao nya. Handa na ako sa pagdating ng kamao nya. Sige na, tanga na ako dahil nagpaka hero pa ako. Tanga na ako dahil sinubukan ko pang magligtas ng tangang babaeng habol ng habol sa boyfriend nya o ex-boyfriend, bahala sila.

Pero, ilang segundo pa, hindi naglanding ang kamaong hinihintay ko. Pagmulat ko ng mga mata ko at pag alis ko ng kamay ko sa mukha ko, nakita kong isang braso na ang nasa tapat ng mukha ko at isang kamay na ang pumigil sa kamao ng lalaking walanghiyang to.

"Hay, yung bangs ko nasira pa." hawi nung lalaking rescuer dun sa bangs nya gamit ang isa nyang kamay. Teka, diba sya si...

"Walang ganyanan pare, babae yan." Ngiti naman nung isa pang lalaki. Pinat nya ang balikat nung lalaking walanghiya na parang hindi sya natatakot dito. Si...ano nga bang pangalan nya?

"At sino naman kayo? Bakit-"

"Umalis ka na ngayon palang. O baka gusto mong mamili kung kami ang sisintensya sayo o ang Dean ng College mo. Anong college ka ba?" tanong naman nung isa. Sya yung ang pinaka wicked ang introduction nung nagkakilala kami. Ano nga rin ba ang pangalan nya?

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now