Hater 24: Clueless

4K 116 22
                                    

"Jessica?" gulat ang ekspresyon ng mukha ni Asher ng tawagin nya ang pangalan ko at lingunin namin sya. "Anong ginagawa mo dito?" dagdag pa nya na parang mas galit na ang itsura.

Nagulat ako ng makita ko sya dito. Akala ko ba...akala ko ba sabi ng mga ugok na to, wala si virus dito.

"O Ash..." lalong humigpit ang akbay sa akin ni pinaka wicked. Napatingin naman ako sa kanya at napakunot noo. "Napabalik ka ata?" nakangisi nyang tanong.

Hindi ibinalik ni Asher ang mapanlarong mga ngiti ni pinaka wicked. Sa halip, napataas ang dalawang kilay ko ng saglit nya akong tingnan mula ulo hanggang paa. Napatingin pa tuloy ako saglit sa suot ko. Okay naman ah, pang araw-araw na damit, walang problema.

Ng iangat ko ang ulo ko para tingnan ulit sya, naglalakad na sya papunta sa amin.

Hinuhubad nya ang suot nyang brown jacket habang naglalakad at nagsasalita. "May naiwan kasi ako kaya ako bumalik." Diretso at walang ekspresyon nyang sabi.

Sa ilalim ng brown nyang jacket, suot nya ang isang puting sando lang. Hm, infaireness ah. Nagwowork out ba sya? Fine. Ang ganda ng korte ng braso at balikat nya. Iba ang dating kapag nakalabas at hindi yung bakat lang sa damit. Peste, pakialam ko naman sa braso at balikat nya. Ugh! Naduduling lang ata yung tingin ko.

"Hindi ko alam na may makikita pa palang akong iba dito." Ng makarating sya sa pwesto namin, bigla nya akong hinigit papunta sa kanya.

"Aray! Ano-" isinuot nya sa akin ang jacket nya. Inayos nya lang yun ng pagkakapatong sa balikat ko. Hello? May jacket naman ako. Hindi ko kailangan ang jacket nya. Pero, hindi sya sa akin nakatingin kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"Ian, may usapan tayo di ba. Parang nakakalimot ka." Blankong ekspresyon nyang sabi kay pinaka wicked. Ian ang pangalan nya. Kailangan ko na talaga tandaan yon.

Nag cross arms si Ian the wicked saka ngumisi. "Parang ikaw ata ang nakakalimot Ash." Sagot nya dito.

Ilang segundo silang nagtinginan na para bang nagpapatayan na sila sa isip nilang pareho. Ano bang pinag uusapan nila? Usapang tao lang please. Hindi ako manghuhula dito.

"Mga bro, easy lang. Maniwala kayo, hindi nyo gustong pag awayan lang to." Singit ni boy the bangs ng nakangiti.

Tiningnan sya ni Asher ng may matatalim na tingin. Grabe, ngayon ko lang sya nakita na seryoso. Kaya pala nya yun? Inoorasan ko sya, mga naka 10 minutes na sya. Infaireness ha. Kaya naman pala nyang mag seryoso. Pero hindi ako makasingit ng pagsasalita sa kanila. Una, hindi ko kasi alam kung ano ba ang pinag uusapan nila. Ako ba o parang may ibang bagay pa? At pangalawa, ang higpit ng hawak ni Asher sa braso ko. Naka focus dun ang atensyon ko, inaattempt kong tanggalin yung hawak nya pero lalo lang nyang hinihigpitan ang hawak na yon. Pag ako natanggalan ng braso dito, sisingilin ko talaga sya.

"Ikaw ba ang nagdala sa kanya dito Jack?" seryoso nyang tanong kay Jack the bangs.

Yung reaksyon ni Jack the bangs, parang batang nahulihang nagnanakaw ng pagkain sa ref. Tiklop sya kay Asher, hindi sya kasi agad nakasagot.

Biglang nawala ang hawak ni Asher sa braso ko at biglang napunta yun sa kwelyo ng leather jacket ni Jack the bangs.

Nanlaki ang mata ko at agad ko syang hinawakan sa braso para pigilan ang kamay nya. Nanggigil sya na naninigas ang muscle nya sa braso. Pumigil din naman si Mr. Dimples kay Asher.

"Subukan mong dalhin pa sya dito. May paglalagyan ka sakin." Gigil na gigil nyang sabi.

"Ash..." pigil ni Mr. Dimples.

The Ultimate Man HaterWhere stories live. Discover now